AESHA'S POV
"BIW,yung totoo saan tayo pupunta?" Natatawang sabi ko habang nakatakip ang mga kamay niya sa mata ko.
Nakapiring ako sa buong byahe namin papunta dito...kung saan man 'to. Nung bumaba naman sa kotse ay nakaalalay pa rin siya at hindi pa nakuntento sa piring ng mata ko,tinakpan pa talaga 'yon ng kamay niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Ready ka na?" Malambing niyang sabi kaya kinikilig akong tumango. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya at inalis ang piring ng mga mata ko."Open your eyes now,biwby." Malumanay at masaya niyang sabi kaya sumunod ako.
Naipikit ko pa nang mariin ang mata ko dahil sa panlalabo non mula sa pagkakarining ng panyo at kamay niya.
Nawala ang ngiti ko nung makitang nasa gilid kami ng daan at nakaharap sa malaking bahay.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko,hinawakan niya ang kamay ko at nagpunta sa likod ko para yakapin ako mula ron.
"Just take a look at our house," sabi niya sa pinakamalambing na paraan na ikinatigil ko,tama ba yung narinig at intindi ko?"What can you say?" Sinilip niya pa ang mukha ko habang ang tingin ko naman ay nasa malaking bahay.
"Ito yung bahay niyo?" Namamangha kong sabi at ngumiti. Natahimik naman siya,"Ang ganda biw! Yayamanin pala talaga kayo 'no?" Namamangha ko pang sabi at nilingon siya pero nakatitig lang siya sakin at masyadong maganda ang pagkakangiti.
"Our house,biw...bahay natin." Nangingiti niyang sabi at may diin ang bawat salita,"That's our house. Bahay nating dalawa,kasama yung mga magiging anak natin. Nilakihan ko na,baka kasi maging orphanage na sa dami ng anak natin. Ligtas ang advance mag-isip," Natatawa pero bakas ang saya sa tono niya.
Ako naman ay naiwang nakaawang nang bahagya ang bibig sa sobrang gulat dahil sa narinig at nalaman ko. Pinanggigilan niya pa ang pisngi at ilong ko bago ako hinalikan nang mabilis sa labi sa ganong posisyon.
"S-Seryoso? Atin yan?" Ngayon lang ako nakapag-react nung hawakan niya na ang kamay ko.
"Hmm,atin yan." Nangingiti niyang sabi.
"K-Kailan mo pa pinagawa 'to?"
"Nung panahon na pinag-aawayan natin ang hindi ko pagu-update sayo," natatawa niyang sagot na ikinalunok ko lang.
"B-Biw..."
"Ito yung pinagkaka-abalahan ko dito. Aside sa mga businesses natin,dito ako madalas para i-monitor ang bahay natin," nakangiti niyang sabi.
"I-I...d-don't know what to say.." Naibulalas ko na lang at napapailing na nagkamot ng sentido,muli kong tinanaw ang malaking bahay nung bigla siyang matawa sa sobrang tuwa.
"Kumpleto na yung gamit sa loob biw,tara check natin?" Anyaya niya kaya napatango na lang ako.
Lalo pa akong napanganga sa pagkamangha nung makapasok,napakalawak non at nung tumingin ako sa kanan ay malawak na garden ang nakita ko. May gazebo rin don. Puno ng nag gagandahang halaman,hindi na nakawala sa paningin ko ang magic roses.
"Yan na yung bigay mo sakin," natatawa siyang tumango nung tignan ko siya.
"How?"
"Psh. Basta,Eian 'to!" Tinapik niya pa ang biceps niya gamit ang kamay niyang hawak ang kamay ko. Natatawa akong umiling."Nilipat ko lahat dito,ipapasa na natin yan sa susunod henerasyon ng Cervantes!" Nangingiti pang sabi niya.
"Baliw!" Natatawang sabi ko.
"Gusto mo ba sa gazebo biw? Markahan rin natin gaya kung paano natin minarkahan yung mansion." Malokong sabi niya na ikinangiwi ko.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...