EIAN'S POV
SATURDAY ngayon at may usapan kami ni Aesha na sabay kaming mag-aaral para sa prelims namin. Isang subject lang kami meron ngayon pareho,pero mukhang nag-overtime yung instructor nila ngayon kasi nasa 30 minutes ng tapos ang klase nila pero wala pa ring lumalabas maski isa sa kanila. Nakasansal ako sa gilid ng pinto habang nilalaro sa daliri yung susi ng kotse.
"Oh? Eian,anong ginagawa mo dyan?" Nakita ko si Axel nung mag angat ako ng tingin.
Umayos ako ng tayo saka kami nagtapikan.
"Hinihintay ko kasi si Aesha,may usapan kami eh." Sagot ko.
"May lakad kayo?"
"Review para sa prelims,"
"Nice! Goals...Kumusta pala?" Nangingiti niyang tanong.
"Ayos lang naman,kinakaya. Kayo kumusta? Madalang na tayong mag kita kahit nasa iisang campus tayo ah." May lungkot sa tinig ko nung sabihin 'yon,ngumiti pa ako para maitago 'yon.
"Busy kasi bro eh,kabilaan yung mga ginagawa namin. Pasensya na." Sinserong hingi niya ng tawad habang nagpapaliwanag.
"Ayos lang,naiintindihan namin. Isa pa,magkaiba rin tayo ng mga schedules this sem. Baka nga sa summer na tayo magkita ulit nito eh..." napapailing pang sabi ko.
"At least,magkikita pa rin sus."
"Oo nga,"
"Teka,palaro na after prelims. May balak ka bang salihan na sports?" Mayamaya ay tanong niya habang nakangiti.
"Basket nga sana,kaso parang tinatamad akong maglaro."
"Siraulo! Sali ka na,sasali ako eh. Next week practice na,ano? Sabihan ko si coach." Excited pang sabi niya.
"Buti hindi ka magvo-volley?"
"Nag volley na ako nung nakaraan eh,basket naman. Huling term na rin 'to eh,dali na bro. Para maranasan mo rin maglaro sa mga ganitong events ng benton,graduating ka na rin sa susunod eh." Pangungumbinsi niya pa,naengganyo naman akong sumali kaya napapangiti akong tumango.
"Sige,nag-usap na rin kami ni Aesha nung huli tungkol dito eh." Masaya kong sabi,nae-excite rin ako.
"Panigurado namang pumayag 'no? Supportive 'yon eh." Natatawang sabi niya,nakangiti rin akong tumango.
"Siya nga yung unang nag encourage sakin na sumali,sana mag cheer para unang laro sa benton,panalo." Banat ko at sabay kaming natawa.
"Loko! Lakas talaga ng tama mo dyan eh 'no?"
"Syempre hehehehe,"
"Nakikita ko naman,saka wag kang mag-alala. Wala ng mas lalakas pa sa boses niyan pag nagchi-cheer,bigay kung bigay yan eh. Nung sumali nga kami ni calista sa Binibining at Ginoong buwan ng wika,boses niya yung sumakop sa gym. Inubos pa yung liptint,maisulat lang sa tela yung pangalan namin ni cali." Natatawang kwento niya,natawa rin ako sa tuwa.
"Talaga? Woaw. Hindi ko alam yan ah? Hindi nai-kwento ni hazel at cali sakin." Napapailing man ay natatawa pa ring sabi ko.
"Hindi ko lang sigurado ngayon kung ganon pa rin siya,pero hindi ka pababayaan na matalo niyan." Pagpapalakas niya pa ng loob ko.
Lalo akong nakaramdam ng excitement.
"Oh,sige. Sasali ako."
"Nice. Oh,paano? Baba na rin ako eh,pupuntahan ko si coach. Papalista na lang kita."

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...