Chapter 6

13 0 0
                                    

AESHA'S POV

ALAS otso na nang dumating kami sa bahay,gaya ng napag-usapan namin ni kurt sa kaniya nga sumabay si Kirsten. Sa labas na rin kami nag dinner dahil magagahol na kami sa oras pag nagluto pa,naabutan rin kami ng matinding traffic sa Veterans Avenue kaya late na rin nung makarating kami sa bahay.

"Akyat na ako ah?" Paalam ko sa kanila pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

"Parang tanga 'to,aakyat na rin naman kami psh. Ano pang gagawin namin dito sa baba?" Pambabara sakin ni kirsten.

"Parang tanga 'to," ginaya ko yung tono niya saka ako nag make faces sa harap niya. "Ang ibig kong sabihin,mauuna na ako sa inyo psh. Wala talaga 'tong kwentang kausap. Wews." Dagdag sabi ko saka sila tinalikuran at nagderetso na rin paakyat para pumanhik sa kwarto ko.

Dumeretso na ako sa banyo dala ang twalya ko na isinabit ko sa balikat. Mabilis akong naligo at nagbihis saka pinatuyo ang buhok gamit ang twalya. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang laptop ko saka pumwesto sa kama matapos 'yon buksan.

Ay leche,ang sarap na ng upo ko nakalimutan ko pa yung suklay pisti.

Napailing ako sa isiping 'yon at mabilis na tumayo saka kinuha ang suklay na nasa study table ko at bumalik sa kama.

~RING~

Marky calling...

"Yeah?" Bungad ko rito.

"Nasa bahay ka na madam?"

"Medyo."

"Ha? Anong medyo?"

"Medyo kararating lang,bakit ba?" Inis na sabi ko.

"Tara discord,chika minute." Yaya niya,saglit pang nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.

Kalalaking tao,chismis ang nais psh.

Binaba ko na ang linya at Walang anu-ano'y binuksan ko nga ang discord ko at nag punta sa server namin.

"Heeeeyy!!!" Bibong bungad sakin ni aly,tinanguan ko lang siya.

"Hoyyyy baka gusto mong mag kwento bhie?" Si cheska.

"Ano naman ang iku-kwento ko? Psh." Kunwaring sabi ko saka sinimulan ang pagsusuklay ng buhok ko.

"Sabi ni aly and mark,nagharap na ulit kayo ng favorite ex mo? Anuna bhieee make kwento,how was it?" Matinis ang boses ni Cheska.

"Hoy Ae,di man lang kita nakita sa campus kanina ah? Di naman regular ang class." Sabat naman ni Reyn.

"Umalis ako kanina reyn kasama ko si mark." Sagot ko kay reyn.

"Gagi di niyo nakita mukha ni Mark kanina halos tumalon na sa nerbyos yung mata pucha men Hahahahaha." Tuwang-tuwang kwento ni aly.

"Hoy baka gusto mong mag kwento bhie?" Cheska.

"Paano ba naman ako makakapagsalita pisti,sabay-sabay kayong umaalulong dyan." Napapailing na sabi ko.

"Maka alulong naman 'to,mukha ba kaming aso ha? Hakdok." Si cheska,dahilan para matawa ako.

"Unexpected naman yung paghaharap namin non,hinatid ko kasi 'yang si mark kanina sa CU. Kalagitnaan ng byahe biglang may umaalulong ng Mark fuckboy Hahahahahaha." Natatawang kwento ko.

"Kami nga 'yon girl,ampuchaaa gusto ko matawa kanina nung magpakilala ka gago ka Ae! Kelan ka pa naging Laika?" Malakas na natawa si aly,nakitawa naman yung tatlo.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon