AESHA'S POV
END of november na ngayon,magda-dalawang buwan na rin simula nung makasama namin ang grupo nila kristoffer sa resort. Naging abala kami sa acads,nanliligaw pa rin si Eian. Walang palya ang pagpaparamdam niya sakin kung gaano ako ka-special sa kaniya. Hindi rin ako bato para hindi makaramdam ng tuwa sa mga ginagawa niya,pero gaya nung dati pinipigilan ko pa rin ang sarili kong mahulog kahit alam kong unti-unti ng nangyayari ang bagay na 'yon.
School,community at Hospital na rin ang naging tirahan namin. Bisita na lang kami ulit sa mismong mga bahay namin,naging madalang rin ang pagsasama namin ng mga kaibigan ko dahil abala na rin sila sa pagre-review. Graduating na rin sila ilang buwan mula ngayon.
Kakatapos lang ng finals namin for this sem,syempre abala na rin kami sa pagpapa-sign ng clearance at mag-e-enroll na rin agad for next sem,para makapagpahinga na rin kami kahit sa holiday season man lang. Napag-usapan namin na sa sabado na kami mag-e-enroll para sabay-sabay na rin kami. Thursday ngayon,nasa school ang mga kaibigan ko at si Eian pero hindi na ako pumunta dahil sinabay na ni Eian ang clearance ko at siya na lang daw ang tatapos.
May lakad ako mamayang 6pm kaya naisipan ko na munang matulog,may tatlong oras pa naman ako bago mag alas sais.
"ANONG meron?" Walang ganang tanong ko habang nasa kotse kami ni yed.
Kanina pa kami andito sa loob ng kotse,paunti nang paunti ang mga estudyanteng lumalabas dahil alas siete na rin.
"Basta,manood ka na lang." Natatawang sabi niya. Nasa backseat ako dahil dalawa sila ni kel sa harap. Bored akong tumingin sa gate ng crimson.
"Nagkikita pa rin ba yung bebe mo at yang si kristoffer?" Tanong ko.
"Oo,wala talagang kadala-dala." Napapailing na sagot ni Kel.
"Eh,bakit kasi hindi mo pa hiwalayan yang crim mo?" Walang gana kong tanong.
"Brineakan mo ba agad si kristoffer nung nalaman mong may something sila ulit ni valeen?" Pagbabalik niya sakin ng tanong.
Napabuga ako ng hangin sa ere.
"K-Kinausap ko,b-brineakan ko rin ah! Ayaw niya akong pakawalan." Napapahiya kong sabi.
"Brineakan ka ba? Iniwan ka nga sa ere diba?" Ramdam ko ang pagpipigil niya ng tawa.
"Bakit ba inaatake mo ako,kel?" Inis kong sabi.
"Ikaw nauna,pasmado bibig mo eh!" Natatawang sabi niya,sinabayan rin 'yon ni Yed.
"Magkaibigan talaga kayo! Pareho kayong marupok,mga uto-uto." Sabi ni yed samin.
Sabay namin siyang binatukan ni Kel.
"Ouch!"
"Ulol ka! Ang yabang mo!" Inis kong sabi.
"Eh,may ipagyayabang naman ako? 5 years eh nyahahahaha!" Saka siya natawa ng malakas,napabuga na lang kami ni kel ng hangin at sabay sumandal sa kaniya-kaniyang pwesto. "Teka ayan na." Natinag kami sa sabi ni yed at napa-deretso lalo ang likod ko.
"Alam niyo na." Makahulugang sabi ni kel,mukhang may kausap sa phone.
Binalik ko ang tingin ko kila kristoffer na masayang nagku-kwentuhan palabas ng gate. Hanggang sa sabay-sabay silang matigilan dahil may naglabasang pitong lalaking mga naka mask. Humarang naman sila kristoffer at gumaya rin ang mga kasama niya maliban kay valeen at cathy na hinaharangan nila para hindi malapitan ng mga lalaking naka-itim. Tinignan ko isa-isa ang mga reaksyon nila,bakas ang takot at kaba. Hanggang sa mukhang nagka-initan na at sumugod na sila kristoffer.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...