AESHA'S POV
JANUARY 10,2020 ngayon at isang subject lang ako meron tuwing saturday. Nagkita na kami ni kristoffer nung January 5 at ngayon na lang ulit kami magkikita,sinusulit na namin habang hindi pa kami hectic. Magdu-duty na kasi ako this second semester,tapos ngayon namin pag-uusapan yung tungkol sa schedule niya.
"So,saan tayo today babe?" Tanong ko,pagkasakay ko ng sasakyan niya. Lumapit naman siya sakin para i-beso ako.
"Isasama kita sa studio,okay lang?"
"Yes,of course. Sino bang mga kasama mo?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Barkada ko lang babe." Casual na sagot niya saka nagsimula ng mag drive. Hindi na ako sumagot at nanahimik na lang din.
"Babe..."
"Hmm?" Sambit ko,nilingon siya.
"Wala."
"Psh. Anong trip mo?" Natatawang sabi ko.
"Hahays," Animong nanghihinayang na sambit niya at napapailing pa. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka at mataman siyang tinitigan habang nasa pagdr-drive ang focus. "HHWD tayo babe." Seryosong sabi niya.
"Ano 'yon?" Clueless kong tanong.
"Holding Hands while Driving hehehe," saka siya ngumuso,natawa ako.
"Ang dami mo naman alam?" Natatawang sabi ko habang inaabot sa kaniya yung kaliwang kamay ko na agad rin niyang inabot at pinagsalikop ang mga kamay namin.
"Madami babe,madami." Maloko siyang ngumiti. Napailing na lang ako.
"Babe?" Mayamaya'y tawag ko sa kaniya.
"Yes?"
"Bakit pala madalas kayo sa studio? I mean,para saan yung pagpa-practice niyo? May upcoming events ba sa crimson?" Interesado kong tanong.
"Ah,wala naman. Hinahasa ko lang talaga sarili ko sa pagdu-drum." Casual na sagot niya.
Gusto ko rin matutong mag drums or gitara...
Interesado akong matutong mag drums and guitar simula pa nung highschool. Naumpisahan ko na yung pag gi-gitara,si jave yung nagturo sakin dati pero hindi na nasundan kasi ayon break-breakan ang drama namin.
"Bakit mo natanong babe?" Biglang untag niya sakin.
"Nothing,akala ko kasi may pinaghahandaan kayo." Nakangiti kong sagot.
"Actually,early practice na namin 'to para sa susunod na battle of the bands next school year." Pormal na sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya,tinapunan niya rin ako ng tingin. "Last year kasi,2nd place kami. Gusto kong mag champion kami next school year." Seryosong dagdag niya pa.
"Hmm,kita ko nga sa twitter mo."
"Stalker tsk tsk."
"Hindi ah,psh. Makabintang naman 'to,nadaan lang sa akin 'no." Singhal ko pa.
"Yeah yeah,hmm." Kunwaring sumasang-ayon na sabi niya. Natawa na lang ako sa itsura niya habang napapailing.
Mayamaya pa ay huminto na ang kotse sa isang maliit na building. Mabilis naman siyang umikot para pagbuksan ako.
"Thanks." Ngiti ko pa sa kaniya.
Hinapit niya naman ako sa bewang palapit sa kaniya at saka kami sabay na pumasok sa building na 'yon. Tanging drumsticks,phone and wallet lang yung dinala niya at iniwan sa kotse yung bag namin pareho. Nagpunta kami sa front desk na malapit sa entrance saka ko sila hinayaan na mag-usap nung babaeng may edad na. Mayamaya ay inakay niya na ako papunta sa isang room.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...