EIAN'S POV
BENTON PALARO
NASA court na kami ng team namin,radtech ang makakalaban namin. Matapos ang opening remarks and lighting torch kanina ay nagkaroon ng parade ang bawat department,pero hindi kagaya nung nursing week namin ay may pa-float parade pa at umikot sa crimson pabalik dito sa benton. Yung ngayon kasi ay pumila lang yung mga bentonians sa likod ng school,sa mismong labas. Nangunguna yung radtech kanina,sunod naman yung respi,medtech,PT,caregiving,midwifery and nursing.
Hindi pa nagsisimula yung laro dahil binigyan kami ng time para mag prepare.
"Wag kang makikipag-away sa court ha? Ako titira sayo ng bola sa mukha mamaya,kapag nakita kong nakipag-away ka." Seryosong pagbabanta ni Aesha,habang inaayos yung jersey ko. Ngumiti lang ako.
"Yes boss biw..." Nakangis ko ng sabi.
"Good luck and Enjoy the game,handsome." Nakangiti niyang tinapik ang pisngi ko. Sabay pa kaming hinalikan ang tatlong daliri namin at pinagdikit ang mga 'yon.
Narinig pa namin ang iilang tili nung mga nakakita,pero nag ngitian na lang kami bago ako lumapit kay axel na kausap rin ang nobya at mukhang naghahabilin rin sa kaniya,ang loko ngiting aso at kulang na lang ilabas ang dila at hingalin.
Hahahaha loko! Aangas-angas tiklop rin pala 'to sa girlfriend,hays pareho kami yieeee.
Napailing na lang ako at hinintay silang matapos mag-usap.
"Good luck guys! Break a leg!" Sabi ni cali.
"H-Hoy,anong break a leg?! Psh. Just enjoy the game,doesn't matter if you'll win this term or lose." Seryosong sabat ni Aesha na ikinatawa na lang namin ni axel. Nagpaalam na kami sa kanila at sa mga kasama namin bago kami lumapit sa iba pa naming team.
Sabay-sabay kaming pumasok sa mismong court,pero natigilan ako nung may humarang samin ni Axel.
"Good luck,Eian...chi-cheer kita." Malaki ang pagkakangiti nito.
Nagkatinginan kami ni Axel.
"Salamat. Pero may cheerleader na ako,ayon oh!" Nakangiti kong sabi na lumingon pa at tinuro ang pwesto nila Aesha. Seryoso itong nakatingin sa gawi namin,nung tumingin ako kay charmaine ay pilit na ang ngiti nito bago tumango at bumalik sa mga kasama niya.
"Grabe,hirap maging gwapo 'no?" Dinig ko pang sabi ni Axel.
"Psh. Nagsalita."
"Nagsasalita ako para sating dalawa,bro." Pabirong yabang niya at sabay kaming natawa.
Saglit pa kaming kinausap ni coach at may mga pinaalala pa samin bago kami nakipagkamay sa mga radtech. Matapos kaming kausapin ng referee ay pumito na siya at ihinagis ang bola...radtech ang nakakuha non.
Agad kaming kumilos.
Kabilaan ang sigawan ng mga tao,habang kami ay focus sa laro. Tumakbo ang radtech sa court nila,binakuran naman ni Axel ang may hawak ng bola. Nag-usap pa sila bago nag angat ng tingin si Axel at nakuha ko 'yon,kaya nag handa ako. Sa mabilis na kilos ni Axel ay naagaw niya ang bola at ipinasa 'yon sakin na agad ko namang nasalo. Tumakbo ako papunta sa court namin habang dribble yung bola at tinantya yung ring...
"LET'S GOOOO BSN!"
"KYAAAAAH!!!"
"GO AXEEEEEL!"
"GERMAAAANNN!"
"EIAAAAAN I LOVE YOU AAAAH!"
Nagtuloy-tuloy ang laro na swabe lang,pare-parehong nage-enjoy. Naghahabulan lang yung scores namin,ako ulit ang may hawak ng bola para i-shoot 'yon. Ilang dipa ang layo ko mula sa ring namin at may mga naka abang rin malapit sa ring para pigilan ang paghulog non. Drinibble ko pa ulit yung bola at pumwesto.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...