Chapter 54

1 0 0
                                    

AESHA'S POV

KAPAPASOK lang namin ng kwarto namin ni Eian,hindi nawawala sa isip ko si hazel. Parang may pinagdadaanan siya,ang tahimik niya simula kanina. Tapos nagpaiwan pa siya sa labas.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Eian nung itanong niya 'yon,kakalock niya lang ng pinto at saka lumapit sakin.

"Hmm,nag-aalala lang ako para kay hazel. Pansin ko ang tahimik niya," Mahinang sabi ko.

"Pansin ko nga rin,pero baka wala lang sa mood? Hayaan na muna natin siyang mapag-isa biw,magsasabi naman si hazel kung may problema siya." Malumanay na sabi ni Eian,tumango na lang ako.

Alam kong close rin sila ni Hazel,kaya hindi nakakapagtakang napansin niya rin 'yon.

"Maliligo lang ako tapos matulog na rin tayo." Nakangiti kong sabi,tumango rin siya.

"Ako na pipili ng isusuot mo." Seryosong sabi niya kaya napapangiti akong tumango at humalik sa pisngi niya.

"Thanks,Eian." Lang ang tanging nasabi ko bago pumasok ng banyo para maligo.

Natagalan ako dahil todo kuskos ako sa katawan ko,lumusong rin kasi kami sa dagat kanina kaya kailangan ko talagang maligo ng maayos. Nung matapos ako ay agad rin akong lumabas,nagulat pa ako nung biglang may yumakap sakin ng tuwalya. Nasa pinto pala siya at naka abang.

"Sa susunod nga magdala ka ng towel or robe pag maliligo ka,paano kung hindi naka-lock yung pinto tapos biglang may pumasok at nakita ka sa ganong sitwasyon? Nakakainis ka naman Aesha!" Agad na singhal niya,pero natatawa akong tumingin sa kaniya.

"Wala akong makitang masasabitan sa loob,kaya nga dyan ko nilagay sa table,dito sa side mismo ng cr para pagbukas ko ay makukuha ko agad." Seryoso ko namang paliwanag.

"Kahit na," Inis talagang sabi niya.

"Eh,wala nga akong mahanap na masasabitan biw." Napapabuntong-hininga kong sabi.

"Eh,di sa doorknob?"

"Sasagi sa floor,mababasa." Casual kong sagot. Sumimangot naman siya.

"Nakakainis! Ang dami pa naman natin kasama na lalaki,eh,paano kung--" Inis kong siniil ang labi niya ng halik para patahimikin siya. Naramdaman ko naman ang pagganti niya at napapangiti pa kaya agad ko rin binawi ang labi ko,"Nakakainis ka pa rin!" Singhal niya pa.

"Oo na,maligo ka na para makatulog na tayo. Abangan natin yung sunrise bukas ah?" Nakangiti kong sabi.

Nagliwanag rin ang mukha niya dahil sa sinabi ko at mabilis na tumango. Muntik pa ako matumba nung malakas niya akong hinawi papunta sa gilid at pumasok ng banyo.

"Gago talaga 'to! Bwiset!" Naibulalas ko na lang at iiling-iling na naglakad papuntang kama,pero agad rin napangiti nung makita kong maayos na nakalapag sa kama ang damit ko na inihanda niya."Sweet naman ng boyfriend ko hahaha---peste lang minsan!" Agad akong napasimangot saka nag umpisang mag bihis.

Nag patuyo rin ako ng buhok habang hinihintay siyang makalabas ng banyo.

"Biw?" Dinig kong tawag niya.

"Oh?" Sigaw ko rin habang nagkukuskos ng buhok sa kama.

"Paabot ng towel please hehehe," Natigilan ako sa ginagawa ko at nagdadabog na kinuha yung towel niyang nasa kama pala,inis kong dinala 'yon sa kaniya at binigay sa nakaawang na pinto ng banyo."Thanks!" Nakangisi pang sabi niya at sinarado ang pinto sa mismong mukha ko.

Sumasama na talaga ang ugali mo! Argh!

Sweet pa rin naman siya pero madalas niya na akong asarin,kung dati ay ngunguso at lalabi lang siya kapag inaasar,ngayon talagang lalabanan ka na niya sa baradgulan peste yan. Pero ayos lang hehe,enjoy naman mga sagutan namin. Matirang di pikon! Lalo rin siyang humalay,nas gusto ko rin naman hehe. Nakakapagpigil naman siya kumpara sakin. Pero yung huli naming kahalayan ay nung nasa Astrid Hotel pa kami,kuntento naman siya sa dating gawi namin na yakap at banayad na halik lang nitong mga nakaraan.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon