AESHA'S POV
ISANG linggo na ngayon simula nung iwasan ko siya,alam kong mali 'tong ginagawa ko. Alam kong ako ang may kasalanan ng lahat pero ako pa 'tong may ganang umiwas,hindi ko rin alam kung paano siyang kakausapin tungkol sa nangyari. Ayoko na lang pag-usapan,sa totoo lang.
Nilalamon ako ng hiya. Kakababae kong tao,ako pa 'tong pasimuno ng kahalayan. Wala akong isang salita! Ang sabi ko ayaw ko na sa ganong klase ng relasyon,pero ginawa ko. Ginagawa ko ulit,ang pinagkaiba lang...ako yung nasa posisyon ni kristoffer,at siya ang nasa posisyon ko noon kung titignan. Pilit kong pinagpipilitan ang gusto ko,halata namang ayaw niya dahil nirerespeto niya ako at ayaw niya na talagang ipaalala sakin yung nangyari sa nakaraan.
Napahiya lang talaga ako sa tanong niyang 'yon. Talagang tinanong niya 'yon kung kailan katatapos lang namin gawin? Nasa ibabaw niya pa ako,hubo't hubad kaming pareho. Hinihingal pa tapos tangina,itatanong niya 'yon?! Badtrip talaga sagad. Para akong sinampal ng funda book sa sobrang kahihiyan.
Sa sarili ko talaga ako galit,napaka hypocrite ko kasi! Natrauma na ako dati dahil ako yung pinipilit gawin ang bagay na ayaw ko,tapos gagawin ko rin ngayon sa taong walang ibang ginusto kundi iparamdam sakin yung respeto at pagmamahal na deserve ko. Badtrip ka Aesha! Sagad.
Nitong nagdaan na mga araw hindi na talaga ako nagdala ng motor dahil nag commute ako,alam kong hahanapin niya yung motor ko sa parking. Alam kong hihintayin niya ako sa tapat ng registrar. Sa morgue ako dumadaan at yumuyuko pa ako sa hallway ng senior high para di niya ako makita. Don ako dumadaan papuntang faculty para mag sign out,tapos yuyuko ulit sa senior high building pabalik ng morgue tapos sa harap ng hospital lalabas. Sa boulevard ako sumasakay ng jeep. Para akong tanga nitong nakaraan kakaiwas.
Pero gusto ko na ibaba yung pride ko,gusto ko na magsorry...
Kakalabas ko lang ng faculty,buong tapang akong naglakad papunta sa dulo ng hallway. Napapalunok ako at naikukuyom ko ang dalawang palad ko sa sobrang kaba,bumagsak yung balikat ko nung hindi siya mamataan don. Inikot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng building,kaso hindi ko talaga siya makita. Naglakad ako papuntang shed pero hindi ko rin siya nakita don,kaya sumakay na lang ako ng jeep nung makalabas. Naninibago ako sa town,ang tagal ko rin di nakapaglakad dito ng mag-isa simula nung maging nobyo ko ang richkid na 'yon.
Nung makarating sa bahay ay agad akong dumeretso sa loob,naabutan ko pa si kirsten and kurt.
"Paalis na kayo?" Simpleng tanong ko.
"Oo,ingat ka dito ah?" Sabi pa ni kurt.
"Hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos? Para may makasama ka na ulit--"
"Hindi ko kailangan ng kasama kirsten,mauna na ako sa taas." Seryosong sabi ko bago umakyat sa kwarto at nagpahinga. Pagkatapos ay naligo na rin.
Kumuha ako ng nightie na kulay red na medyo hapit sakin at kulay red din na underwear. Hindi na ako nag bra,kasi 'yon ang sabi niya psh. Bakit ba nagpapauto ako don?
Nagpapatuyo ako ng buhok matapos magbihis,nag lagay na muna ako ng lotion at pabango. Tumayo ako mula sa kama at sinuot yung slippers kong panloob,papatayin ko na yung main switch sa baba. Pero bago gawin 'yon ay dumeretso muna ako sa kusina para kumuha ng dalawang bread at uminom ng dalawang basong tubig. Nag gargle pa ako matapos.
Pinatay ko na yung ilaw matapos i-lock yung main door,saka ako umakyat pabalik ng kwarto. Natigilan pa ako sa paglalakad nung maramdaman kong may kakaiba sa paligid ko. Napalunok ako bago tuluyang umakyat,pero natigilan ulit nung maramdaman na may ibang tao akong kasama sa bahay. Kinikilabutan akong humakbang palapit sa kwarto ko at nagmamadaling pihitin 'yon,pero nanlaki ang mga mata ko nung may maramdaman akong yumakap sakin mula sa likod.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...