Chapter 48

3 0 0
                                    

KRISTOFFER'S POV

BAKIT ba kasi hindi ko nakita ang halaga mo nung wala pang involved na tao sayo? Bakit hindi ko narealize ang lahat ng 'to nung libre pa kitang pwedeng bawiin at mahalin? Bakit ngayon pa kung kailan masaya ka na sa iba?

Ganito rin kaya yung pinagdaanan mo nung sinaktan kita? Naiganti ka na ng tadhana,hilary. Sobra na akong nasasaktan ngayon at nagsisisi,ito na yung karma ko. Nawala na sakin ang lahat,lahat ng luho ko...Ang mambabae. Iniiwasan na ako ng lahat,kahit si valeen ay hindi na madikit sakin. Si valeen na naging choice ko rin pag no choice and bored,may nanliligaw na rin sa kaniya ngayon at masaya na siya. Dati hinahabol niya ako kahit ilang beses ko siyang pinagtutulakan palayo,si valeen na wala din ibang ginawa kundi ingatan at mahalin ako.

Si laika na nagsettle na talaga sa relasyon nila ni Mikel. Si Lyka na first love kong engage na sa fiance niya,si trixie na talagang nakinig na sa bestfriend niyang si Aly na layuan na ako dahil wala akong magandang dulot. Wala na akong matakbuhan at mapuntahan.

Ngayon kita mas kailangan,babe...

Dati isang tawag ko lang sa kaniya at mabakasan niya lang na malungkot ako,iiwan niya na ang lahat mapuntahan lang ako. Papalakasin ang loob ko at ipaparamdam sakin na bilib siya sakin. Paano ba kasi kita nagawang hayaan na mawala sakin? Masyado akong nagpakampante na sobra mo akong mahal,na kahit ilang beses kitang gaguhin ay patatawarin mo ako dahil mahal mo ako. Na kahit ilang beses kitang iiwan ay may mababalikan ako dahil mahal na mahal mo ako.

Sa sobrang pagpapakampante ko...naunahan na ako.

"Alam niyo,singsing na lang ang kulang sa inyong dalawa eh." Seryosong sabat ni Aly habang sumisimsim sa wine glass niya.

Natigilan ako sa sinabi niya at mabilis na napatingin sa dalawa na nagkakatitigan at ngiting-ngiti na parang wala kami sa harap nila.

"Oo nga eh 'no?"

"Hoy,invite niyo kami ah?"

"Wala ba kayong balak na magpakasal?"

Napalunok ako at humigpit ang hawak sa glass ko at naghihintay ng isasagot nung dalawa.

"Makakapaghintay naman ang kasal,sa ngayon kasi wala pa sa isip namin yan. Graduating pa lang kami sa susunod na pasukan,madami pa kaming gustong ma-achieve. Saka itong girlfriend ko ang sabi sakin I want us to grow together but Individually,and I think that's a real goal. Kailangan muna namin mag grow as a person pero syempre,kasama pa rin ang isa't isa. Hindi naman kasi kami pasakal sa isa't isa,gaya nang sinabi niya,chill ang relasyon namin pero totoo." Mahabang paliwanag ni Eian at bakas sa kaniya ang sinseridad.

"Aaaw! I really want these two to end up together." Kinikilig na sabi ni Aly na sinang-ayunan ng lahat.

"Pero nasa plano ko na yan at wag kayong mag-alala,lahat kayo invited sa kasal namin hehehehe." Tuwang-tuwang sabi ni Eian.

Natahimik na ang table namin at may kaniya-kaniya ng pinag-uusapan,pero hindi na natigil ang palihim na pagsulyap ko sa dalawa. Napatitig ako kay Hilary na masyadong maganda ngayong gabi,pinagaganda siya lalo ng matatamis niyang ngiti.

"Excuse me guys,washroom lang ako." Napunta kay Valeen ang atensyon ng lahat,dahan-dahan siyang tumayo.

Hindi man lang siya tumabi sakin ngayong gabi,kay francis siya madalas sumama lately. Halatang umiiwas na sakin.

"Samahan na kita," Napatingin ako kay Hilary nung sabihin niya 'yon. Ngumiti naman si valeen nang napakatamis,ang ganda pala nilang tignan na sinsero sa isa't isa at hindi na sarkastiko ang pakikitungo nila sa isa't isa. Inalalayan pa ni Eian hi hilary na makatayo sa inuupuan. Don ko lang napansin ang kabuuan ni Hilary,masyadong exposed ang suot niya. Bakit pinayagan na magsuot siya niyan? Tsk. Halos kita na yung dibdib niya at ang nipis pa ng tali na nagkokonekta papunta sa batok niya. Nung tumalikod siya para pumunta sa gabi ni Valeen ay don ko naman nakita ang likod niyang bukas na bukas hanggang taas ng balakang. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Natinag ako sa pagtitig sa katawan niya nung mahina siyang napasigaw. "Oh my Gahd! Valeen!" Agad akong napatingin sa gawi ni valeen na nabuhusan ng mga wine na dala ng waiter.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon