Chapter 32

5 0 0
                                    

AESHA'S POV

RAMDAM ko pa rin ang galit at pandidiri ko hanggang makapasok kami ni Eian sa kwarto. Bakas pa rin sa kaniya ang gulat,inis kong binagsak ang sarili ko sa kama paupo at inihilamos ang kamay sa mukha sa sobrang inis na hindi ko maipaliwanag. Ni-lock ko yung pinto ng kwarto.

"A-Ae..." kinakabahan na tawag ni Eian at nag-aalangan na lumapit sakin.

Hindi ko na maintindihan kung anong dahilan ng pag-uunahan ng mga luha ko. Halu-halo ang emosyong nararamdaman ko! Wala na ako sa sarili nung marinig ko ang mga sinasabi niya,mas nawala lang ako sa wisyo nung yakapin niya ako kahit nagpupumiglas ako. Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa likod ko. Tangina!

Bigla na naman pumasok sa isip ko lahat ng katangahan kong pagpapaubaya na gawin niya 'yon sakin dati...

Hinayaan ko na siyang gamitin ako dati,awa na lang sa sarili ko ang bumuhay sa galit ko.

FLASHBACK

"Always remember,Aesh. Para lumakas ka gagamitin mo ang galit mo,sa paraan na 'yon buong pwersa mong magagamit ang lakas na pang pisikal mo. Para manghina ang target mo,saan sa katawan niya ang pupuntiryahin mo?" Dinig kong sabi ni kel,habang umiikot-ikot siya sakin at pinapatunog yung boxing gloves niya na suot niya. Napalunok ako.

"Xiphoid process...para mabilis siyang manghina." Walang emosyong sabi ko.

"Good." Narinig ko pa ang pagtawa niyang nakakaloko. Bago ko siya nakitang pumwesto ulit sa punching bag at nagsususuntok don.

Humarap na rin ako ulit sa punching bag na nasa harap ko. Sumuntok at sumipa,punong-puno ng galit dahil nakikita kong Sila ang nasa harap ko ngayon.

"Wag mong ubusin yung lakas mo Aesh,may paggagamitan ka pang importante niyan." Seryosong pigil niya sakin.

Nasa underground kami ng bahay ni kel,he's topless and I'm wearing my sports bra habang naka leggings ako sa baba. Pareho kaming pawisan,sunday ngayon at wala akong lakad kaya dumeretso ako dito sa kaniya. Magda-dalawang buwan niya na akong tinuturuan ng self defense daw. May mga tinuro siya sakin na natutuhan niya daw sa Course niya. Meron din siyang tinuro sakin na natutuhan niya sa pagta-taekwondo niya. Taekwondo player si kel simula Elementary hanggang highschool. May gang rin sila ni yed nung Highschool. At ang ibang tinuro niya sakin ay ang mga galawan na nila sa mga trouble. May minsan pang hinamon nila ako ni yed dito sa underground ni kel,naitumba ko si yed pero hindi si kel.

"Magagamit ko ba talaga 'to kel?" Seryosong tanong ko,hinihingal habang patuloy pa rin sa pagsuntok at sipa sa punching bag.

"Hindi mo alam kung kailan mo magagamit,pero sigurado akong malaki ang maitutulong nito sayo. Aesh,hindi ko tinuturo 'to para mag mukha kang cool okay?" Badtrip ko siyang nilingon dahil sa huling sinabi niya,ngumisi naman siya. "Easy ka lang,hahahahaha! Init ng ulo. Pero seryoso ako,hindi ko tinuro lahat sayo 'to para mag mukha kang cool. You need this in the future,hindi mo alam kailan ka mapapahamak. Hindi naman parating one call away kami ni yed para reskyuhin ka psh. Tingin mo samin?flash? Batman?" Napangiwi pa siya saka malakas na natawa nung pasugod ko siyang pinatamaan ng kamao kong binabalot ng boxing gloves na mabilis niyang naiwasan. "Hoy,galit ka agad dyan hahahaha!" Magkabilaan niyang inilagan ang mga suntok ko kaya lalo akong nainis at mabilis siyang sinipa sa dibdib,napaatras siya ng bahagya. "Woah! Gumagaling na ah? Hahahaha,makinig ka nga ano ba! Tsk badtrip ha!" Sininghalan niya ako matapos matawa. Kaya inis akong tumayo ng ayos. "Aesh,kailangan mong mag ingat sa kaniya. Traydor siya. Sa susunod na magharap kayo at kung...Aesh,kung...babastosin ka niya may magagawa ka na. Hindi ka na mahina. Alalahanin mo lang lahat ng tinuro at sinabi ko." May diin niyang sabi at seryosong-seryoso.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon