Chapter 58

2 0 0
                                    

AESHA'S POV

NGAYON Na ang araw na pinakahihintay namin ni Eian,gra-graduate na kami. This is another milestone for the both of us,naging masaya ang huling taon namin sa benton na akala namin ay magiging malungkot dahil sa hindi na namin kasama ang mga kaibigan namin. Pero napuna naman 'yon ni cess,lou,brian at charmaine. Maiiwan si north sa benton dahil 3rd year na siya sa respiratory therapy course niya,pero masaya kami na may kaibigan siya sa deaprtment nila kahit papaano. Hindi ako mag-aalala kay north,dahil siya ang pinakafriendly sa grupo namin. Halos buong student ata sa benton ay kilala niya at kagaanan ng loob.

Kasalukuyan kaming nasa convention center ng hotel nila Charmaine,at tinatawag na ang mga aakyat sa stage para tanggapin ang gantimpalang pinaghirapan.

"From the very start you stepped in Benton hospital and colleges incorporated,I,the Dean of nursing department,Had already told you about the criterion for academic honors for graduating students...Am I right?" Maarte pero bakas ang saya at pagiging proud sa tinig at tindig niya. Umugong naman ang buong convention center sa pagsagot."Of course,I am absolutely right." Biro pa nito na ikinatawa ng lahat. "Do you remember what I told you that day? I encouraged everyone of you to focus on your studies.
And to be part of a candidate for academic honors,you must have attended 8 semesters of classroom instructions of course,and plus 2 summers." Bukang-buka ang bibig at klarong-klaro ang bawat salita na sambit niya,umugong ulit ang convention center sa ingay ng reaksyon ng bawat students."Congratulations to all of you because you made it! Yes!" Masayang sambit niya at sumuntok pa sa ere na ikinatawa ng lahat. "Now,I would like to invite our Summa Cum laude...she's weighing an average of 1.2 an equivalent rating of 98...please join me here,Miss Charmaine Dequilla." Ngiting-ngiting sambit ng Dean at pumalakpak naman kami nung tinawag ang kaibigan namin.

Taas-noo itong umakyat ng stage at kitang-kita namin ang reaksyon niya dahil sa malaking screen na nasa taas at gilid ng stage. Nag kamayan sila ng dean at ng president ng benton bago siya sinabitan ng medalya,binigyan rin siya ng pagkakataon na magpasalamat at magbahagi ng experience niya sa benton na ikina-iyak ng lahat dahil sa munting alaala na nabanggit niya.

"Thank you,everyone for being part of my journey in benton. To my friends,you know who you are guys! Thank you for always supporting me in all ways,to my dad...this is also for you! He's there,ohgahd!" Lumuha sa tuwa na sabi niya at itinuro pa ang kinaroroonan ng dad niya na ikinatuwa ng lahat,bakas ang pagmamalaki ng dad niya sa kaniya. "To my cheering squad,Thank you! To my Instructors from level 1 to level 4,I owe you a lot. Thank you for the wonderful journey!" Napatakip na lang siya ng bibig at binalik ang mic sa dean na naluluha na rin nagpunas ng mukha sa pinakamaarteng paraan.

Muling nagpalakpakan ang lahat,yumakap samin si charmaine nung makabalik sa pwesto namin.

"That was so touching,Awe! Thank you Miss Charmaine Dequilla. You really deserve it." Sinserong sabi ng dean na pumalakpak pa at sinabayan naman namin 'yon."Next,I'd like to call on our Magna Cumlaude. She's also from Section A,weighing an average of 1.25 an equivalent rating of 97! I always see her in library,studying alone,sometimes with her friends but lately with her lover. I always heard a lot about her in our faculty,the most outstanding student nurse in her batch! Please join us here,Miss Aesha Hilary Mariño..." bigay na bigay niyang tawag at pagpapakilala sakin kaya tumungo pa ako nung makatayo bago tuluyang naglakad nang taas-noo paakyat ng stage.

Maiingay ang lahat ng students at bakas ang tuwa sa lahat,palakapakan dito at doon. Yumakap pa sakin si Dean pati na rin ang President at director ng Benton. Nagkamayan pa kaming apat at binati nila ako,Bago nila isinabit sakin ang medalya ko,ngiting-ngiti ako dahil napakasarap sa pakiramdam non. Nakangiti kong tinanggap ang mikropono na inabot sakin ng dean.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon