Chapter 27

4 0 0
                                    

AESHA'S POV

PUMWESTO na ang dalawang team sa magkabilang court,at mayamaya lang ay nagsimula na ang laro nung marinig na ang hudyat. Hindi pa man umiinit ang court ay nagsisigawan na ang mga students at kaniya-kaniyang manok sa mga players na. Kaniya-kaniyang cheer sa mga players. Kahit pare-pareho lang din naman nasa iisang department. Natawa ako nang palihim dahil don.

Nasa tabi ko si Eian na tutok rin sa court. Sa tabi ko naman ay si cali na malamang ay nakatutok rin sa court,sa likod namin ay si shaira at jade kasama si Daisy at hazel na naririnig kong nagbubulungan na tungkol sa mga manlalaro.

"WOOOOOH,GO GERMAN!!!"

"GO,AXEL!!"

"GO WARREEEEN!"

"B-S-N!!! B-S-N!!!"

Hindi ko napigilan ang matawa dahil dun sa narinig ko. Parehong BSN ang naglalaban dahil nursing week nga ito,kaya wala akong makampihan dahil pareho naman magaling. Para sakin mas masaya pa rin ang Palaro dahil makakatunggali namin ang lahat ng department at mas thrilling 'yon kumpara dito sa isang 'to. Tahimik na lang akong nanonood. Si axel na ang magse-serve ng bola na agad rin sinalubong ng kabilang team,naririnig namin ang sigawan ng mga players paminsan-minsan pero mas malakas pa rin ang sigaw ng mga audience. Paulit-ulit na ganon at napapailag din kami dahil lumilipad ang bola papunta sa gawi namin sa lakas ng pagkakapalo ng mga players,hindi naman kasi kalakihan 'tong court ng benton. Lumalakas ang hiyawan para sa players pero lumalakas din 'yon tuwing isasangga ni Eian ang bola na napupunta sa gawi namin at malakas na tinitira 'yon pabalik sa court. May mga tumatayo pa para tumingin sa gawi namin. Napapayuko na lang ako.

Dati pa man ay nai-issue na kami nitong si Eian,kung dati ay nagagawa kong balewalain ang mga sinasabi ng tao tungkol samin. Ngayon ay iba na,nahihiya na akong mag angat ng tingin kahit wala naman akong naririnig na masasama galing sa kanila at puro papuri lang naman 'yon.

"HALA SI WARREN BABY!" Natinag ako sa sigaw ni shaira na sumabay sa sigaw ng ibang students,napatingin naman ako sa court. Nakahawak si warren sa mukha niya,mukhang tinamaan ng bola ampota.

Hahahahahaha,bwiset! Ay joke lang,baka biglang lipad ng bola dito tapos ako yung tamaan.

Agad rin naman silang nakarecover at bumalik sa paglalaro. Nung tignan ko ang score board ay lamang na sila Axel,kanina kasi ay lamang yung sa kabila.

Mayamaya ay nagpaalam si Eian na aalis kaya tinanguan ko na lang siya. Wala sa court ang atensyon ko kahit pa sabihin na nakatuon don ang tingin ko.

Naglalaro na naman sa isip ko ang nangyari sa pagitan namin ni Eian,at lalo na ang naging usapan namin ni Mark. Napuyat ako kakaisip tungkol sa sinabi ni mark. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung totoo ba 'yon...hindi ko naman nakikita ang sarili ko pag nagku-kwento.

Gusto ko ba siya?

Gusto ko man umiwas ay hindi ko magawa. Una,ayaw kong maipit samin ang mga kaibigan namin. Kaya ko naman umarte na parang walang nangyari,kaya ko pa rin pakisamahan si Eian. Gusto ko siyang kausapin at sabihin na tumigil na siya sa ginagawa niya. Natatakot akong sa bandang huli ay masaktan ko siya,ramdam ko ang pagiging sinsero at natural niya sa mga ginagawa at sinasabi niya. Hindi lang talaga kayang tanggapin ng sistema ko kasi hindi ako sanay sa ganito. Pangalawa,may hindi pa ako natatapos at kailangan ko pang asikasuhin 'yon. Wala pa akong panahon para magsaya,lalo na kung ganitong binabalot pa rin ako ng galit.

"Water...to keep you hydrated."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nung biglang may mag abot sakin ng bottled water. Hindi na ako nagulat pa nung makita si Eian na nakabalik na sa tabi ko. Ang ganda ng pagkakangiti niya.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon