Chapter 30

2 0 0
                                    

EIAN'S POV

NAUPO kami sa pool side at hinintay na lumabas ang mga kasama namin. Tanging mga paa lang ang nakababad sa tubig,walang nagsasalita samin at parehong nagpapakiramdaman.

Medyo naiilang ako,kinakabahan ako dahil sa sinabi niya kanina. Napabuntong-hininga ako,ang gusto ko lang naman ay wag niyang maalala ang mga kahayupan na ginawa sa kaniya ng gunggong na 'yon. Pero parang wrong move pa dahil sa mga ginagawa ko ay lalo niyang naaalala.

Tumingala ako at nasilaw kaya tumingin na lang ako sa pool.

Anong gagawin ko para hindi niya maisip ang mga 'yon? Nag-iingat ako sa mga kilos at sinasabi ko pero parang mas nakakasama pa. Hindi ko tuloy alam kung ano bang dapat gawin...

Ang manahimik? Eh,paano kaming mag e-enjoy non kasama ang mga kaibigan namin kung tatahimik na lang ako? Baka isipin niya rin na galit ako. Eh,kung patuloy ko naman gagawin yung mga ginagawa kong paraan para mag-ingat,lalo niya lang matatandaan.

Tangina ka talaga kristoffer,kasalanan mo 'to! Tsk.

Babawasan ko na lang siguro,parang ang OA nung dating eh. Ayoko naman masakal siya,nanliligaw pa lang ako pero kung maka-asta ako higipit na sa boyfriend. Baka itulak niya na naman ako palayo pag nagkataon na mapikon siya. Ngayon pa ba na maayos na yung samahan namin?

Ako ata yung nago-overthink dito eh,psh. Lord naman? Help po huhu...

"Ang tahimik mo bigla." Dahan-dahan ko siyang nilingon nung magsalita siya. Nasa mga paa niyang nakababad sa tubig ang tingin niya.

Napalunok ako,hindi ko alam ang sasabihin ko. Bumuntong-hininga na lang ako.

"Pitong buntong-hininga na yan,ang lalim ata ng iniisip mo?" Nangingiting tanong niya. Nanlaki ang mata ko.

"Bilang mo?" Napapalunok kong tanong.

"Oo,para kang ewan diyan. Titingala tapos pag nasilaw,titingin ulit sa baba. Paulit-ulit na ganon tapos ipipilig yung ulo,parang nag-aaway kayo ng sarili mo?" Natatawang sabi niya,nilalaro-laro ng paa niya yung tubig.

"May iniisip lang,sorry." Napapahiya kong sabi. Nilingon niya naman ako.

"Yung tungkol pa rin ba 'to sa kanina?" Seryosong tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin bago tumango at magpakawala na naman ng malalim na hininga. "Pang walo na yan,nyahahaha." Muli na naman niyang binilang,kaya napapahiya akong tumingin sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Can you stop thinking about me muna? Let's enjoy this day,wala akong ibang ibig sabihin kanina. Believe me,I'll tell you if something's off." Seryosong nang sabi niya.

Pero hindi nawala yung kaba ko.

"Hindi ko kasi alam kung anong gagawin eh,sorry." Napapayukong sabi ko.

"Aish! Wag na muna ako ang isipin mo,I can manage myself naman. This is not about us,this is about cali and axel. Let's give it to them kahit ngayon lang." Seryosong sabi niya.

"Sorry--"

"Stop saying sorry,what the hell?" Natatawang putol niya sa sasabihin ko kaya mas lalo akong napahiya at kinabahan,"Wala akong ibang ibig sabihin don,what I'm trying to say is mag enjoy tayo kasama sila. No kristoffer muna,baka isipin kong ikaw ang may gusto don sige talaga. Give me hints." Biglang nanunukso ang boses niya kaya nandidiri akong tumingin at ngumiwi sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Hell no! Yuck! Blaaah!" Umasta pa akong nasusuka. Narinig ko ang malakas niyang tawa at malakas niyang sinipa yung tubig dahilan para tumalsik 'yon sa mukha ko. Napagaya rin ako sa ginagawa niya at napapatingin sa amin yung ibang malapit sa gawi namin."Stop,hahahahaha!" Hinarang ko ang kamay ko.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon