AESHA'S POV
NAGDAAN ang april at na-extend ang quarantine dahil mas dumarami ang cases ng covid patient. Naging abala rin ako sa mga requirements ko,naging mahirap para sa akin ang online class namin. Kailangan kong i-shoot ang return demo ko,si Ash ang naging pasyente ko. Si ash na halos isumpa na ako dahil walang magawa at hindi ako magawang tanggihan. Nagdaan rin ang birthday ko,may natanggap akong greetings mula kay kristoffer pero nag thank you na lang ako at hindi na pinahaba pa ang usapan. Hindi ako yung tipo ng taong bumabalik sa ex. Pero aamin kong mahal ko pa rin siya,hindi ko magawang magalit sa kaniya. May mga bagong kaibigan rin akong nakilala,na ikinagulat kong kaibigan rin pala ni kristoffer. Sinabi kong wag na nilang ipaalam ang ugnayan nila sakin,dahil labas na rin naman si kristoffer sa buhay ko. May dumating at may bumalik. Hindi ko magawang i-entertain yung dumating kahit pa kaibigan siya ng mga kaibigan ko,the moment na nalaman kong kaibigan siya ni kel ay agad ko na ring tinurn-down. Hindi ako yung tipo ng babaeng pumapatol sa kaibigan ng ex,at pumapatol sa ex ng kaibigan. Hindi ganon yung taste ko.
Ang tinutukoy ko naman na nagbalik ay si kroi. Si kroi na may malaking parte rin sa buhay ko,dahil kung ako lang ang tatanongin ay mas seryoso yung naging ugnayan ko kay kroi kesa kay kel. Si kroi yung kaisa-isang lalaking sineryoso ko sa lahat ng naka m.u ko sa loob ng tatlong taon na wala akong boyfriend. Nagsimula kami sa pag-aaway dahil sa mababaw na dahilan. Taong 2018,Nagkataon na nakita ko ang kapansin-pansin niyang comment sa post ng isang wattpad page. Tungkol 'yon sa pagp-plug ng mga story,saktong bored ako at walang mabasa kaya nag check ako ng comment section. Napansin ko yung comment niyang "Please ready MY FICTIONAL BOYFRIEND" nainis ako dahil ang akala ko ay plinagiarize niya yung story na ginagawa ko rin. Pareho kami ng title eh. Chinat ko siya non,para akusahan na kinopya niya ang Gawa ko. Lalo pa't pareho kami ng genre sa story non,pero magkaiba naman ang plot. Nung nagkapatawaran kami dahil sa bagay na 'yom ay don ko pa lang siya nistalk. Nalaman kong sa saint jude rin siya nag-aaral at ahead siya sakin ng isang taon. Ang malala pa non narealize kong nasa zamboanga din pala siya.
Gaya ng cliche love story,nagkainlove-an din kami. Mas lamang nga lang akong mainlove psh. Halos ako na yung nanligaw don,hinatiran ko pa 'yon ng chocolates with goodluck letter nung exam nila. Kahit pa 10am ang schedule ko nung araw na 'yon ay gumising ako ng 5am para makapunta ng saint jude ng alas sais dahil alas siete Ang exam niya. Mula august hanggang december nung una kaming maging mag m.u,ghinost niya ako. Pero nagkausap rin at pinatawad ko. January to august 2019 nanatili kaming matalik na magkaibigan,Kasama ko siya sa uos and downs ko. Nasa eksena si kristoffer simula april 2019 hanggang july 2019,nawala lang siyang parang bula. Si kroi na rin halos tumulong sakin makabangon nung madapa ako,nadepress ako nung hindi ako pumasa ng crimson kaya ginawan niya ng paraan para maipasok ako sa crimson dahil alam niyang dream school ko 'yon at gustong-gusto kong mag psych. Hindi 'yon natuloy dahil bukod sa ayaw kong makapasok ng crimson dahil sa backer,ay hindi rin kami nakalusot dahil illegal 'yon. Nahulog ako sa benton at kumuha ng nursing. August 2019 nung umamin siyang may nararamdaman pa rin siya sakin,hindi ako nagdalawang isip na tanggapin siya. September 2019 nung manligaw siya pero matapos ang isang buwan na 'yon ay bigla rin siyang nawalang parang bula ulit.
Dun na sumama yung loob ko sa kaniya,desidido na akong pakawalan siya dahil wala naman dapat panghawakan samin kundi yung mga pinangako niya lang din naman. Pangakong siya lang din yung sumira. November 2019 nung lumabas ang result namin sa NAT,pumasa kame ng mga kaibigan ko. Maliban kay cess,lou at north. Dumeretso kami sa fortpi para Mag sindi ng kandila at magpasalamat. Nagdasal rin ako don.
"Salamat po dahil hindi na ako nabigo sa pagkakataon na 'to. Natrauma ako sa crimson,akala ko hindi ko rin maipapasa ang NAT na 'to. Wag niyo na po sana akong bigyan ng sakit ulo,pero kung bibigyan niyo man po ako sana po yung galing lang sa past ko. Ayokong kumilala ng bagong tao. Kaya humihingi ako ng sign sa inyo,kung sino man ang makasalubong ko na galing sa past ko. Sa oras na makalabas ako sa fortpi na 'to,buong puso ko pong tatanggapin ulit."

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...