AESHA'S POV
TANGINA yan! Focus sa acads,patawa rin eh! Eh,kailan lang nung mahuli kayo ni kel. Gusto kong matawa ng malakas pero ngayon pa lang ay nagtataka na ang mga kasama namin sa table.
Kumain na lang ako ulit.
"Kawawa nga 'to si kris eh," mayamaya ay nagsalita si Ivan.
Nakalusong na si adi bansot,si laimer the vampire kasama si Cathy. Si francis naman malay ko kung saan nagsuot. Baka andyan lang 'yon sa mga puno,nananabako.
"Oh? Why?" Pang-uusisa ni cali.
"Last month kasi nabugbog yan," Seryosong kwento ni Ivan,dahilan para matigilan ako pero hindi ko na pinahalata 'yon at nagkunwaring tumingin sa kanila.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sakin si Valeen,katabi niya si Kristoffer. Hindi na lumayo 'to psh! Madikit masyado,mas makapit pa sa mightyban.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni cali.
"Sinugod siya sa office. Taga crimson daw yung lalaki,pero hindi naman mahanap til now." Kunot-noong kwento ni Ivan.
Don't tell me hindi niya alam kung from what school si kel? Hindi niya inalam? Hindi niya man lang tinanong yung laika niya? Puro kahalayan inatupag at inuna. Feeling ko dinahilan niya na lang na di niya alam para di na lumaki ang gulo,lugi rin siya kung tutuusin. Malaking issue 'yon sa crimson pag nagkataon.
"What happened ba kasi?" Tinago ko ang pag-aalala sa boses ko at sinikap na magtunog casual 'yon.
Napunta sakin ang tingin ng lahat,maging si Eian ay napansin kong napalingon sakin. Pero na kay kristoffer ang tingin ko,lumamlam ang mga mata niya at parang nagliwanag ang mga mata niya.
Psh...asa!
"Bigla na lang daw siyang sinugod. Diba kris?" Si valeen ang sumabat.
"Wala ka bang nakaaway?" Seryosong tanong ko. Umiling naman siya.
Manloloko ka pa rin...
"Hindi naman palaaway si kris,Ae." Sabat na naman ni valeen. Tinignan ko siya ng seryoso.
"Pero sa yabang niyan,imposibleng walang napikon dyan?" Kalmado kong sabi. Natahimik naman siya. Tinignan ko ulit si kristoffer,"Baka may nagawan ka ng atraso?" Tanong ko sa kaniya. I did my best not to sound sarcastic.
"Ano naman ang atraso ko sa kaniya at susugurin niya ako bigla?" Kalmadong pagbabalik niya sakin ng tanong. Natawa ako sa isip ko.
Still good at manipulating the story huh?
"Imposible namang trip lang non sumugod?" Sarkastikong sabi ko,hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Mag-uumpisa na naman ba tayo Hilary?" Malumanay na tanong niya.
"Natapos na nga,bakit pa sisimulan ulit?" Natatawang sabi ko,dahilan para matigilan siya. Sinamaan ko siya ng tingin,"Nagtatanong kasi ako nang maayos diba? Tapos ibabalik mo sakin yung tanong. Sa ganyang ugali mo,swerte ka na pag walang nainis sayo." Seryosong sabi ko bago uminom ng juice.
"Tapos nitong nakaraan lang din,si valeen sinugod rin." Pagku-kwento pa ni Ivan.
Nanlaki kunwari yung mata ko at napatingin kay valeen. Kailangan kong mag ingat sa mga reaksyon ko,yari ako sa mga kaibigan ko pag nalaman nilang isa ako sa mga taong nasa likod ng mga nangyari sa mga 'to.
"What happened? Sinapak ka rin?" Seryosong tanong ko,may nabasa akong inis sa mukha niya. "I'm not being sarcastic. I'm asking here,kung ayaw mong sagutin pwede mo naman akong wag tignan ng masama." Nakangiti kong dagdag.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...