Chapter 50

1 0 0
                                    

KRISTOFFER'S POV

INABUTAN namin ang mga kasama namin na nag-aasaran sa pool side,andon na rin yung foods sa table at mukhang kami na lang ang hinihintay.

"Oh,natagalan ata kayo sa pag-akyat?" Natatawang salubong samin ni Mark,mukhang nakikipaglaro ito sa nobya. Napatingin ako kay cheska na nauumay ng nakatingin sa kanila at umiiling habang naaasiwa.

"Hmm,hinintay na namin 'tong dalawa matapos na mag-ayos para magkasabay na kami papunta dito." Simpleng sagot ko,umupo na ako sa tabi ni valeen.

"Ah,here guys." Napatingin ako kay hilary nung i-abot niya ang tatlong paper bags para kay cheska,mark and ishy."Nabigyan ko na si Val and kris kanina nung makabalik kami sa kwarto namin,si aly naman nabigay ko na habang nasa mall pa lang. That's for you," Napapakamot sa sentidong sabi ni Hilary sa tatlo na may tinging namamangha at nato-touch.

"Thanks,Aesha!" Sabay-sabay na sabi nung tatlo at tinignan ang laman ng mga paper bag na Hawak nila. Ngumiti lang si Hilary.

"Meron din akong para sa inyo," Napapahiyang binigay ni Eian ang tatlong paper bags."Hehehe,just a small gift. Have fun to be with you guys eh," Napakamot pa siya sa batok at nahihiyang ngumiti.

"Thank you!" Sabay-sabay ulit na sabi nung tatlo.

"Grabe,ang sweet niyo pala maging kaibigan ah? May pa regalo!" Natatawang sabi ni mark.

Nahihiya na tuloy akong ibigay yung pinamili ko kanina sa boutique para sa kanila.

"Guys,meron din si Kris para sa inyo!" Napatingin ako kay valeen nung kunin niya ang paper bags na nasa paanan ko.

"Ah,peace offering?" Napapahiya kong sabi at natawa naman sila.

"Bakit may pa-peace offering?" Natatawang tanong ni aly.

"I'm sorry kung hindi ko sinabi sa inyo before yung tungkol sa amin ni Hilary,I'm sorry for keeping her as my secret. I'm sorry for hurting your very close friend." Sinserong sabi ko.

"Eh,napatawad ka naman na ni Ae diba? Kaya you don't have to do this na kris,wala rin naman kami sa posisyon para magalit ng ganon katindi sayo kung yung nagawan mo nga ng kasalanan eh,napatawad ka na." Seryosong sabi ni Aly.

"Hmm,she's right. Sorry din for my initial reaction,usual reaction ng tao kapag nalaman na niloko yung kaibigan nila. But since she forgave you na,eh,di kami rin patatawarin ka na." Natatawa pero ramdam ko ang sinseridad sa sinabing 'yon ni cheska.

"Yeah right,kung si Lord nga nagpapatawad eh." Seryosong sabat ni Mark. Napangiwi ako.

"Pinaaandaran mo na naman ako ng pagiging sarkristan mo." Sabi ko na parang nauumay na.

"Demonyo ka talaga,kris!" Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako.

"Thanks sa gifts ah? Grabe kayo maging tropa,galante eh 'no? Sana always." Natatawa sa tuwang sabi ni Cheska.

Natawa na lang din kami bago nag simulang kumain.

"Bakit ang konti ata ng tao dito?" Napatingin kami kay Eian nung itanong niya 'yon.

"Hmm,rooftop na kasi 'to eh. Baka tinatamad ng umakyat yung mga tao? Besides,mas malawak at malaki rin yung pool sa baba kaya mas marami ang tao don." Paliwanag naman ni Aly,kaya napatango na lang si Eian.

Napatingin naman ako sa paligid at nagdalawang tingin pa ako nung may mahagip ako ng tingin. Kunot-noo ko siyang tinitigan,titig na titig rin siya sa direksyon namin habang nilalaro ang buhok niya gamit ang daliri. Ngumiti pa siya sakin at kumaway kaya lalong nagsalubong ang kilay ko.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon