AESHA'S POV
MATAPOS ihatid si Eian ay hindi ako dumeretso sa bahay. Dumeretso ako sa Village ni Kel,nakabukod kasi siya sa pamilya niya.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong sakin ni kel na hindi pa man ako nakakapagpark ay hinarang na ang kamay sa harap ng motor ko. Tinignan niya ang kabuuan ko saka ako tinaasan ng kilay. "Nababaliw ka na ba? Nagmo-motor ka pero naka palda ka? At talagang pumunta ka pa dito eh puro lalaki kasama ko tsk." Inis man ay alam kong nag-aalala lang siya.
Hindi ako sumagot at parang maiiyak na naman ako nung nilock ko ang motor ko. Nanatili akong naka-upo sa motor ko pagkatapos kong itungkod ang stand non. Nakababa ang isang paa ko sa semento at doon kumukuha ng pwersa,habang ang isang paa naman ay nasa sahig ng motor ko.
Wala akong imik nung ibulsa ko yung susi ko. Nasa harap pa rin siya ng motor ko at naka harang pa rin ang kamay sa harap ng motor ko.
"Halika,ikukuha kita ng pants. Magpalit ka." Napapailing na sabi niya.
Pero hindi ako kumilos. Tinitigan ko lang siya at ang inis na mukha niya ay nakatitig na rin sakin,animong binabasa ang bawat kilos ko.
"May problema ba?" Alalang tanong niya at bahagyang lumapit sakin.
"Nakaharap ko sila." Agad na sagot ko.
"Sino?" Kunot-noong tanong niya pero sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Tara sa loob." Biglang anyaya niya.
"P-Pero andyan ang mga kasama mo."
"Paaalisin ko sila psh. Let's go." Sabi niya na inikutan pa ako ng mata. Sandali ko pang tinignan ang motor ko bago ako sumunod sa kaniya.
Naiilang ako sa tingin ng mga kasama niya na nakaupo sa kaniya-kaniyang mga motor,nasa labas sila ng bahay ni kel kaya agad akong naharang ni kel kanina.
"Oh? May bisita pala," Casual na sabi nung isa. Pamilyar ang mga mukha nila sakin,mga schoolmates ko dati sa Saint Jude.
"Umalis na muna kayo,mag-uusap kami." Seryosong sabi ni kel. Nanatili lang ako sa likod niya.
"Usap lang ba talaga? Hmm--"
"Jake,bastosin mo na lahat wag lang 'to." Matigas na sabi ni Kel. Nanatili akong nakayuko,dahan-dahan kong tinanggal ang helmet ko at inayos ang buhok na gumugulo sa mukha ko saka ako nag angat ng tingin.
"A-Aesha..." sambit nung jake. Tinignan ko lang siya ng deretso sa mata. "Sorry,Hindi kita nakilala. Nagmomotor ka na pala ngayon." Aligaga niyang sabi.
"Sige na,jake. Umalis na muna kayo at tatawagan ko na lang kayo." Utos pa ni kel.
"Tara na." Baling nung jake sa mga iba pa nilang kasama na saglit pa akong tinigan at parang inaalala kung saan ako nakita.
"Teka...judean 'to eh!" Bulalas nung isa.
"Yung nagpatiklop kay kel--"
"Ikaw ang titiklop Josh pag di pa kayo umalis." Putol ni kel sa sasabihin niya.
"S-Sabi ko nga. Hehe byebye." Sabi nung josh at nag kani-kaniya na sila ng sakay sa motor saka pinaharurot ang mga 'yon paalis.
Naiwan kami ni kel.
"Tara sa loob." Malumanay na sabi niya,sumunod naman ako.
Kababata ko si kel,parehong malakas ang trip namin nung panahon naging kami kaya di rin nag tagal 'yon. Kilala si kel bilang playboy,babae don at babae dito. Intimate relationship ang hilig niyang pasukin pero nagbago 'yon sa loob ng isang linggong maging kami. Inamin niya na dun lang siya nakaramdam ng totoong saya,hindi naman namin gaanong sineryoso 'yon dahil gaya ng sabi ko ay pareho lang malakas ang trip namin nung tanongin niya akong maging girlfriend niya. Sa loob ng isang linggo,nakaramdam ako ng kaligtasan. Kapayapaan. Hindi niya ako ginaya sa mga naging babae niya,hindi kailanman dumapo ang kamay niya sa akin. Hindi niya ako kailanman nagawang bastosin sa kahit na anong paraan.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...