Chapter 5

7 0 0
                                    

AESHA'S POV

"Oh? Andito na pala kayo eh." Bulalas ni hazel pagkarating nila ni jade at may dalang pagkain na kita pang umuusok,halatang bagong luto."Saan mo nakita 'yan cali?" Dagdag niya at nginuso ako pagkatapos ilapag ang dala nilang foods saka sila umupo pareho. Sumimangot na lang ako.

Nagkatinginan naman kami ni cali,saka siya ngumiti sakin.

"Diyan sa tabi-tabi." Natatawang sagot naman ni cali,napailing pa ako at pigil ang tawa.

Sinimangutan lang siya ni hazel.

"Wala namang may allergy sa inyong dalawa sa seafoods and streetfoods diba?" Si hazel ulit,Nagkatinginan kaming dalawa ni cali at naghihintayan kung sinong sasagot. "Ang titinong kausap ng mga kaibigan ko grabe,salamat ng marami Lord." Sarkastikong sabi ni hazel at nanguna na siyang tumusok ng food na binili nila ni jade.

Nagtawanan lang ang mga kaibigan namin.

"Ehem," napatingin kami kay daisy na nameke pa ng ubo.

Salubong ang kilay ko na napatingin sa kaniya.

"Baka nagkakalimutan tayo dito,mare. Chismis talaga ang ipinunta namin dito." Nagpapahiwatig na sabi niya habang nakatingin sa mga pagkain nasa table at animong namimili ng kakainin.

Naramdaman ko naman ang tingin nilang lahat sakin. Bahagya pa akong napalunok at inikot ang paningin sa mga katabing table namin.

Mga taga crimson ang halos katabi naming table.

"Yes,Ae. You were saying?" Si cali.

Nameke pa ako ng ubo bago sinimulan ang appetizer nila...Ang chismis.

"Yeah,nakaharap ko na ulit siya kanina." Panimula ko habang inaabot yung kropek na binili namin ni jade kanina nung mauna kami dito.

"Baka wag kang mambitin noh?" Si daisy na sinamaan pa ako ng tingin.

Bumuntong-hininga naman ako.

"Gaya ng sabi ko,hindi niya ako nakilala dahil halos nakatakip nga buong mukha ko nung magharap kami. Iba rin ang pangalan na ginamit ko." Nakangising sabi ko.

"About that,bakit nga pala ibang pangalan ginamit mo?" Seryosong tanong ni hazel at nginitian ko lang siya.

"Trip lang," kibit-balikat na sabi ko saka natawa ng light.

"Anong name ginamit mo?" Si cali.

Nung mag angat ako ng tingin ay nagkatinginan na silang lahat.

"Laika," nakangiting sabi ko.

Lalo silang natigilan.

"Aesha..." si daisy,kunot ang noong nakatingin ito sakin.

"H-Hindi ba pangalan yun nung ex niya?" Hazel.

"Bakit 'yon ang binigay mong pangalan,nurse?" Seryosong tanong ni cali.

Tinignan ko siya nang matagal,bago ako ngumiti.

"Tinignan ko lang ang reaksyon niya,total mahilig siya sa laika diba? I just tried to see his reaction kapag nakaharap siya ng another laika." Seryosong paliwanag ko.

"Anong plano mo?" Hazel,seryoso siya masyado sa deretsong tanong niyang 'yon.

Naiangat ko ang tingin ko at nagtama ang mga tingin namin. Bakas sa itsura niya ang pagbabasa ng bawat kilos ko at ultimong reaksyon na ilalabas ko. Pero di ako nagpatinag at tinignan lang siya ng may blangkong tingin.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon