Chapter 3

5 0 0
                                    

AESHA'S POV

"Madam,badtrip ata tayo ah?" Bungad sakin ni Mark,pagkalapag ko ng bag ko sa bakanteng upuan.

"Wag mo akong simulan Mark," Pikon kong sabi.

"Scary ka naman,what happened?" Sabi niya.

"Wala,hindi mo ba kasama si Ishy?" I asked to change the topic.

He pretends to look beside him and sinilip pa yung baba ng mesa.

"Ishy? Where you at? Are you with us?" He said.

"Parang tanga ampffcha,umayos ka nga." Pigil ko ang tawa ko.

"There,tatawa na yan." Pang-aasar niya pa.

I pushed my tongue inside my cheeks to prevent myself from laughing.

Tumayo siya at nilabas ang dila ng bulsa sa slacks niya,sinilip niya rin yung bulsa ng polo niya.

"Here si ishy oh," Sabi niya at paglabas ng kamay niya mula sa bulsang 'yon ay nakafinger heart na.

I burst out laughing.

"Tanga,ang korni mo." Natatawang sabi ko,umayos naman ako ng upo at inayos ko rin yung hoodie ng jacket ko.

"Parang familiar yung jacket,yan ba yung jacket na inorder mo for kroi pero di mo nabigay kasi ghinost ka bigla?" Inosenteng tanong niya,pero alam kong sinasadya niyang tanungin para mang-asar.

Bahagya kong tinapon sa kaniya yung hawak kong scratch paper na nakuha ko sa bulsa ng uniform ko.

"Gago!" Natatawa kong sabi.

"Pag ghosting ni kroi,tinatawanan mo. Pero ghosting ni Kristof galit na galit ka?" He said.

"You know exactly the reason why mark,stop acting dumb." I shrugged.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Ano,hindi ba tayo kakain? Hindi ako kumain kaninang umaga share ko lang,baka naman 'no?" Nagpapahiwatig kong sabi sa kaniya.

"Kakarating ko lang din kaya halos magkasunod lang tayo,um-order rin ako. Wait na lang natin." He said.

"Bakit pala wala si ishy?" I asked.

"Busy yung linya nila eh,next time." Sagot niya.

"Para kang ewan,halata namang malungkot ka kasi di mo na naman nakasabay mag lunch si ishy and it really felt so incomplete hays edi sana may matino akong kausap ngayon." Sabi ko at umiling-iling pa na parang dismayado.

"Hoy grabe ka ha,hindi ba ako matinong kausap?" Reklamo niya at talagang nanlalaki pa ang mga mata.

"Sinong matino yung hahanapin si ishy sa bulsa?" Pang-aasar ko pa,nakataas ang isang kilay habang magkakrus naman ang dalawang kamay sa dibdib.

"Hulaan ko kape mo,Nescafe stick 'no? Pait non eh,di mo ba nilagyan ng sugar?" He's trying to make nonsense joke na naman argh. Napaka korni.

"Whatever."

"Tama ako 'no?" Pamimilit niya pa at saka natawa.

Inikutan ko lang siya ng mata,nabaling ang tingin ko sa labas ng resto. Mula sa glass wall nakita ko na puro naka blue skirt uniform yung mga babae.

"Ngayon ko lang napansin,sa harap pala 'to ng school nina kroi. Nananadya ka talaga 'no?" Inis kong sabi.

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya just to see him grinning and he positioned his two fingers beside his face para mag peace sign.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon