EIAN'S POV
WEDNESDAY ngayon at nasa classroom kami,last subject na lang at uuwi na kami. Pero hindi ko maiwasan magtaka kung bakit lalong bumait sakin 'tong isa...oo,si Aesha. Parati na siyang nakangiti at tumatawa. Inaasahan ko pa naman magiging emo siya dahil dun sa nangyaring eksena nung saturday.
Napatingin ako sa wrist watch ko...
6:15 na...
Patago kong tinignan si Aesha mula sa gilid ng mata ko habang naka harap ang ulo ko sa board. Kita ko kung paano siyang mag focus sa instructor na nagsasalita sa harap,paminsan-minsan ay nagsasalubong ang kilay niya tapos non ay babalik na naman sa blangko ang mukha niya.
Gusto ko siyang kausapin.
Kumusta ka? Hehe.
Ah...kumusta puso mo? Siya pa rin ba? Ngeek. Korni naman non.
Gusto ko itungkod yung isang siko ko sa arm chair niya tapos titigan na lang siya buong oras.
Ang cute cute niya ehe ehe...
Ahm...papayag ka bang ligawan kita? Psh. Dapat pumayag ka,haaaysh.
"Mr. Cervantes!"
"Hoy,tawag ka ni sir." Bulong sakin ni Aesha,na nasa harap pa rin ang tingin. Nanlaki naman ang mata ko at napapahiyang tumayo.
Lahat ay nakatingin na sa akin.
"S-Sir..." napapakamot sa sentidong sabi ko.
"There are techniques for managing Disruptive behaviors." Kalmadong sabi nito. Kaya medyo nababawasan ang kaba ko kasi mabait 'tong instructor namin ehe.
"Y-Yes sir." Sabi ko naman at tumango siya.
"I want you to give me one,only one technique of managing disruptive behaviors." Sabi nito.
Napatingin pa ako sa sapatos ko na akala mo'y may makukuhang sagot don.
"Counseling," Mahinang sabi ni Aesha na na kay sir pa rin ang tingin. Nakakahangang hindi man lang halata na bumuka ang bibig niya nung sabihin niya 'yon.
"Yes,Mr. Cervantes? Pass na ba? Kasi ilalagay ko na dito sa index mong PASSang-awa." Kalmadong sabi ng instructor namin pero alam kong sarcastic 'yon.
"N-No sir,"
"Give me one,Isa lang hinihingi ko. Marami 'yon,mamimili ka na lang don."
"C-Counseling Sir." Napapahiyang sabi ko.
"Okay good,may sagot naman pala pinatagal pa tsk tsk. Mamaya mo na titigan yan si Mariño pagkatapos ng klase ko." Seryosong sabi niya na ikinalaki ng mata ko at napapahiyang yumuko.
"Yieeeee!"
"Nakatitig pala siya kay Ae?"
"Ang cute hahahahaha"
"Para silang highschool magligawan."
Lalo akong nakaramdam ng hiya nung magsimulang magbulungan ang mga kaklase namin.
"Maupo ka na,Mr. Cervantes." Sabi ng instructor.
"Thank you sir." Napapalunok na sabi ko.
"Later na kasi tumitig Peter." Pang-aasar pa ni Brian na nasa tabi ko. Nginusuan ko lang siya.
"Okay,Ms. Mariño. Give me another one technique." Biglang nagsalita ulit ang instructor. Agad naman tumayo si Aesha.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...