AESHA'S POV
LITERAL na natigilan ako sa paglalakad at nagdalawang isip pang sagutin ang tawag niya.
Hindi na sila busy?
"Hello?" Pormal na sagot ko dito.
"Babe,nasaan ka?" Malumanay niyang tanong. Napabuntong-hininga ako.
Nawala na naman lahat ng sama ng loob ko sa taong 'to.
"Palabas pa lang ng school,kakatapos lang ng class ko." Pormal na pormal na sagot ko. Napatingin sakin si cali and hazel,tumango ako bilang sagot sa mga nagtatanong na tingin nila.
"P-Pwede tayong magkita?"
"Bakit?" Walang ganag sabi ko.
"G-Gusto kitang makita babe," mahinang sabi niya. Mapakla akong natawa.
"Hanggang 5pm ka lang today ah? Nasa school ka pa rin?" Hindi ko napigilan ang pagiging mapait.
"H-Hinintay kita babe." Parang napapahiyang sagot niya.
Himala?
"May problema ba?" Napapabuntong-hiningang tanong ko.
"W-Wala babe. Wala. Gusto lang kitang makasama."
"Hmm,sige."
"Saan ka na babe?"
"Pasakay ng jeep. Sabihin mo sakin kung nasaan ka,pupuntahan na kita." Seryosong sagot ko.
"S-Sa Southway Square babe."
"Sige,see you." Malumanay na sabi ko saka binaba ang linya.
"Magkikita kayo?" Si hazel. Tumango ako.
"Psh. Natauhan na ata?" Sarkastikong sabat ni cali na napailing pa sa kawalan saka umayos ng upo sa jeep.
"Ayos na rin,para mapag-usapan na kung may problema ba samin. Hindi yung nanghuhula ako kung may kasalanan ako para gawin niya sakin 'to. Masyado akong pinagmumukhang tanga." Seryosong sabi ko. Hindi na sila kumibo pa.
Hinatid namin si hazel sa terminal ng jeep nila,hindi na ganon kahaba ang pila nila kaya mabilis rin siyang nakasakay. Sabay kaming naglakad ni cali.
"Ayos ka lang nurse?"
"Ayos lang."
"Parang nasira yung mood mo eh,ayos ka naman kaninang umaga hanggang matapos yung class." Nag-aalalang sabi niya.
"Nakakainis lang. Kung kailan mo naman nagawang abalahin sarili mo saka magpaparamdam,knowing me? Hindi makatiis ng kahit na sino. Idagdag mo pa na mahal ko yung bwiset na 'yon." Puno ng hinanakit na sabi ko.
"Bilib nga talaga ako sayo,kung ako yan galit na galit na ako. Ayoko sa lahat yung hindi nirerespeto yung nararamdaman ko." Napapailing na sabi niya.
Hindi na ako nagsalita pa at nag insist na akong ihatid siya sa parlor nila,saka ako dumeretso sa southway square. Pagpasok ko pa lang ay iginala ko na ang paningin ko sa loob,hindi ko siya namataan. Napatingin ako sa wrist watch ko.
7:32pm...
Hindi ako gumaganti,hinintay lang talaga namin makasakay si hazel ng jeep,hindi naman pwedeng iwan na lang 'yon basta don! Natagalan rin kaming sumakay ng jeep sa labas ng benton. Dinukot ko yung phone ko sa bulsa ng dress ko. Washday kasi ngayon. May mga missed calls siya don. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid,andito ako malapit sa escalator. Napabuntong-hininga ako,saka napakamot sa sentido.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...