KRISTOFFER'S POV
NAKATITIG lang ako sa kaniya habang kumakanta at tumutugtog ng gitara. Pero isang beses niya lang ako tinignan at ang sama pa ng dating,para siyang naaasiwa na makita ako. Dati naman nagliliwanag agad mukha niya pag nakikita ako. Kahit anong gawin ko parati niya akong pinupuri,minsan kahit naglalakad kami sa daan sakin lang siya nakatingin tapos hindi naaalis ang matamis niyang ngiti.
FLASHBACK
Magkikita kami ngayon pero dahil parati nga siyang nauuna,ako na naman ang hinihintay niya sa Gateway mall. Nagmamadali na akong maglakad dahil hindi ko gustong paghintayin siya,umiiyak pa naman 'yon kapag sobrang nag-aalala.
Sa grocery entrance ako pumasok,pero mula rito sa pwesto ko ay nakikita ko na siyang nakatingin sa Pharmacy entrance,nakatagilid siya sakin. Natatawa ako sa ka-cute-an niya,dahil sa dami ng tao ay tumitingkayad siya para hanapin ako don. Habang tinatapik ang phone niya sa palm,nakanguso pa at salubong ang mga kilay.
I want to kiss her...hehehe.
Nakita ako ni jade,kaya sinenyasan ko siyang wag maingay. Nakangiti lang siya. Sumandal ako sa wall,dalawang hakbang ang layo ko kay jade. Nakangiti lang akong nakatingin kay Hilary,nakapamulsa akong sumandal nang patagilid sa wall habang magkakrus ang mga paa. Napapanguso ako sa sobrang gigil.
Umatras siya papunta sa gawi ni jade.
"Nakakainis naman,hindi niya sinasagot yung mga chats and calls ko sa messenger." Naiinis niyang sabi at nilingon si jade,nahagip ako ng mata niya tapos tumingin siya ulit sa entrance ng pharmacy pero natigilan rin nung may marealize.
Napatingin siya ulit sa gawi ko. I gave her a smirk,nagliwanag ang mukha niya.
"Kanina ka pa? Saan ka dumaan?" Parang batang tanong niya. Ngumiti siya at lumapit sakin,akmang hahalik sa pisngi ko pero natigilan rin. Nahihiya siya kay jade.
"Dyan ako sa grocery entrance dumaan." Nakangiti kong sabi.
"Kaya pala,hmp. Let's go." Anyaya niya. Pero hindi ako kumilos kaya tinignan niya ang kabuuan ko saka siya ngumiti ng mas malaki. "Nagpa-cut ka na ng hair! Yieee,ang gwapo mo psh." Saka siya ngumisi at ngumiti na hindi na makita ang mga mata.
Siya kasi ang nag sabi sakin na mag cut na ng hair,balak ko kasi magpahaba kasi mas feel ko habang nagd-drums ako.
"Let's go Jade..." nakangiting tawag niya kay jade at lumingkis sa braso ni jade.
"Mag moment na kayo dyan,nakakahiya naman." Sabi ni jade at natawa samin.
Nauna siyang maglakad na napapailing kaya naman nagkaroon ako ng chance para halikan si hilary sa pisngi,ikinagulat niya 'yon. Nahihiya siya kapag ginagawa ko 'yon in public. Ang cute niya talaga kapag nahihiya. Matapos ihatid si jade sa terminal nila at magpaalam ay nakangisi na ako habang naglalakad kami ni Hilary.
"Why are you smiling babe?" Nakangiti niyang tanong.
"Namiss kita eh," Nakanguso kong sagot.
"Ako rin. Pero kahapon lang tayo nagkita babe," Inosente niyang sabi pero nakangiti. Ngumiti lang ako sa kaniya,"Ikaw ah? Pinagtatalunan pa natin kahapon pagpapa-cut mo ng hair tapos susundin mo rin pala ako? Hmp." Parang batang sabi niya,natawa ako saka siya inakbayan.
"Syempre naman,takot ko na lang sa commander ko." Natatawa kong sabi.
"Takot daw,pero parati naman akong inaaway. Ngeek!" Panunumbat niya.
"Babe,I just want to tease you. Ang cute mo kayang magalit," Natatawang sabi ko. Ngumuso siya at nakatingin lang sakin habang naglalakad,bakas sa kaniya ang paghanga. Sa tingin niya pa lang naipaparamdam niya na sakin na mahal na mahal niya ako at parang wala siyang makitang ibang tao kundi ako,sa tingin niya pa lang parang sinasabi niya na agad na,siya ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil meron siyang ako. Siya lang nakagawa niyan sakin,grabe! "Babe,sa daan ang tingin. Wag sakin." Natatawang sabi ko.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...