HAZEL'S POV
GUSTONG lumuwa ng mata ko sa pagkakagulat dahil sa mga naririnig ko ngayon. Dati naman na siyang tahimik pero nagagawa niya pa rin mag kwento samin,ganon siya ka-comfy samin before,nawala lang naman 'yon nung masaktan na siya.
Kaya ganon na lang ang gulat ko nung hindi niya man lang sinita si daisy na ikwento ang buhay niya sa harap nitong kasama niya...na kakakilala niya lang.
Hmm,ang alam ko ayaw nitong kumilala ng bagong tao eh.
Nagulat pa ako sa huling sinabi niya.
"My point is,nagbabago ang gusto ng tao. Yung ayaw mo ngayon pwedeng magustuhan mo na bukas,at yung gusto mo naman ngayon pwedeng di mo na gusto bukas. Think out of the box."
saan mo naman napulot yan? Psh.
Nahagip ng mata ko si calista na nasa tabi lang ni Ae at nakatitig nang seryoso dito. Base sa titig niya kay Ae,sinusubukan na naman niyang basahin ang bawat kilos nito.
"Ah,Eian let us introduce ourselves to you formally. Sorry nawala sa isip namin kanina eh hehe,I'm shaira Dongon pwede rin naman bebe chareng de joke lang hehe Shai na lang." Pagbasag ni shaira sa katahimikan matapos umeksena ni Aesha. Nakaramdam na rin siguro siya.
"Uh yeah,Eian Cervantes." Nakangiting inabot ni Eian ang kamay ni shaira.
"Ako naman si Jade Muhad. Jade na lang." Tipid ang ngiting pagpapakilala naman ni Jade,hindi niya na inabot ang kamay niya dahil mahihirapan lang silang tumayo at mag abutan ng kamay sa lapad ba naman ng table dito. Nginitian lang siya ni Eian na napapatango pa.
"Daisy Marie Gaspar,Daisy na lang psh don't call me by my second name or I'll curse you..." Si daisy naman ang nagpakilala at talagang nagbanta pa,psh. Gaya ni Jade ay nginitian lang ni Eian si daisy.
"Ako si Northzha Faizal. North for short hihi." Bibong pakilala ni north. Ngiti lang din ang iginawad sa kaniya ni Eian.
"Hanilou Lito. Lou na lang hehe." Ayan na naman ang boses ni lou na akala mo'y 8 years old ang kausap mo sa sobrang liit ng boses at napaka lambing rin pakinggan.
"Farha Tahil,pero itong mga 'to binansagan akong princess kasi sosyalin daw psh. So yeah,call me cess na lang if you want." Napapairap na sabi ni cess na ikinatawa naman namin.
"Heeey,I'm Hazelie Dumagay. Hazy,haze or hazel ikaw bahala saan mas prefer mo." Natatawang pagpapakilala ko.
"Yeah,Ako naman si Calista Gwen Alejandro,Cali for short." Tipid na ngumiti si Cali.
"Nice to meet you all,nakakahiya ako lang yung lalake dito." Namumula na naman si Eian nang sabihin 'yon.
Matangkad siya,bagay sa height ni Aesha Nyahahahahaha. Hanggang balikat niya lang kasi si Aesha,bulset. May kaputian rin kaya pansin agad ang pamumula niya,makinis rin hmm. May saktong pangangatawan,hindi masagwang tignan. Hindi malaki at hindi rin maliit ang mata,sakto lang din at bumagay 'yon sa kilay niya na nagsusumigaw sa gwapo--kilay? Gwapo? Ha? Halaman hazel. Matangos ang ilong,hala ka bhie kissable lips ang papi huhu. Bagay na bagay sila ni Ae.
Noon ko lang din napansin ang kabuuan niya,naka sweater na peach tapos...palihim kong tinignan ang pang-ibaba niya. Naka Denim pants and white shoes.
Malinis sa katawan. Bagay na bagay rin sa kaniya ang maging nursing student dahil sa linis niya sa pananamit.
"Wag ka na mahiya samin,Kahit araw-araw ka pang sumabay samin ayos lang basta tropa ni Aesha...tropa rin namin--"
"Hindi ko siya tropa." Masama ang tingin ni Aesha nung putulin nito ang sasabihin ni Shaira na di man lang natinag.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...