Chapter 60

1 0 0
                                    

EIAN'S POV

MATAMIS ang mga ngiti na iginawad namin sa isa't isa matapos makuntento sa halik na 'yon. Muli ko pa siyang niyakap bago inalalayan na makababa ng table,umupo ako sa swivel chair at kinandong siya.

"Ikaw naman ang mag kwento kung anong pinagkakaabalahan mo dito habang wala ako?" Tinaasan ko siya ng kilay nung tignan niya ako.

"Hindi ako nanglalake kung yan ang iniisip mo,sasapatusin talaga kita." Pagbabanta niya pa kaya sumimangot ako.

"Kababati lang natin gagawa na naman ng pag-aawayan." Asik ko pa sa kaniya na ikinatawa niya.

"Pwede ba tayong lumipat sa sofa? Hindi ako komportable dito." Nangingiti niyang sabi kaya binuhat ko siya papunta sa sofa na malapit sa pinto.

"Baka pwede ka ng magkwento nito?" Nakangiwi kong sabi matapos namin iupo ang sarili namin,kandong ko pa rin siya habang nakasandal naman ako sa sofa.

"Abala ako sa cafe natin,'yon ang totoo." Sinsero niyang sabi kaya napatango ako.

May tiwala ako sayo,sa mga umaaligid sayo wala.

"Ano 'tong naririnig ko na may mga umaaligid sayo dito sa cafe?" Seryoso kong sabi habang hinahagod yung malamig niyang hita.

Bahagya pang umakyat yung palda niya dahil sa posisyon niya,pilit ko naman hinihila 'yon pababa para di lalong umangat. Sumisilip na yung maiksi niyang cycling na kulay black,napailing na lang ako nung maalalang nag motor siya papunta rito.

Tigas talaga ng ulo kahit kailan.

"Magugulat ka kaya kapag sinabi ko kung sino?" Napabuntong-hininga pa siya bago salubungin ang titig ko.

"Tell me,who are they?" Tiim-bagang kong sabi at napisil ko pa ng bahagya ang hita niya.

"Si Tyrone..." Mahinang sabi niya.

"Si tyrone? Psh--wait,what?! Talagang sumalisi na siya 'no? Ha! Sinasabi ko na nga ba't malangsa ang isang 'yon." Inis kong sabi bago marahas na umiling,muli akong tumingin sa kaniya."And the other one is?" Nakataas ang isang kilay kong tanong. Nakatitig lang siya sakin at umiling,parang nag-aalangan na sabihin kung sino."Aesha?" Naghihintay kong tawag sa kaniya.

"Si...G-Gian?" Patanong na sagot niya na ikinatigil ng paghinga ko.

Si Gian? What the hell? Yung batang gustong-gusto ko at kapatid na ang turing ko ay trinaydor ako?! Dafuqq.

Matagal bago ako nakapag-react,don lang din ako napakurap.

"Sinong Gian?" Umaasa akong mali ang iniisip kong Gian.

"Kung sinong Gian ang nasa isip mo,'yon na 'yon." Seryoso at napabuntong-hininga na lang siya. Hindi ako nakapagsalita.

"How did it happened--imposible naman,ate at kuya ang tawag satin non?" Hindi talaga makapaniwalang sabi ko.

Tumango siya ng ilang beses.

"3 weeks nung mawala ka dito,inabala ko ang sarili ko dito sa cafe. Pinapauwi ko ng maaga ang mga staffs natin,ako na rin ang gumagawa ng trabaho no janine," seryosong pagla-lahad niya pa,si janine ay ang siyang nakatoka sa paglilinis ng tables at floors pati na rin ang window glass. Nakinig na lang ako,"Naiwan akong mag-isa non dahil nagmo-mop ako,bigla naman pumasok si tyrone at sinabing...g-gusto niya nga ako." Mahina niyang pagtutuloy at sa baba lang ang tingin.

Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya kaya napatingin ako don,hinawakan ko ang mga 'yon.

"What happened?" Kinakabahan kong tanong,may namumuo rin saking galit. Wala akong nakuhang sagot,"Aesha,anong nangyari non?" Tiim-bagang kong tanong habang titig na titig sa kaniya."Wala na bang naiwan na personnel dito?" Inis kong sabi.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon