Chapter 10

6 0 0
                                    

EIAN'S POV

NAIWAN kami ni hazel sa sasakyan habang tahimik ang byahe namin,animong naghihintayan. Nag-iinit yung pwet ko sa upuan sa sobrang hiya at kaba.

Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Psh.

"Kailan ka pa pala dito sa Zambo,Eian?" Napatingin ako kay hazel nung bigla siyang magsalita,ngayon lang siya nagsalita ulit mula nung maibaba namin si cali.

Naabutan kami ng traffic.

"Nitong summer lang." Sagot ko naman.

Tumango-tango siya.

"Madaming magaganda dito," Nagulat ako sa sinabi niya dahil malayo naman 'yon sa usapan namin. Hindi ako nagsalita. "Ang ibig kong sabihin,madami ka pang magugustuhan na babae maliban kay Ae." Pagpapaintindi niya naman.

Sabi na eh...huhu.

"Hindi naman ako mahilig sa babae." Napapahiyang sabi ko. Bahagya siyang natawa.

"Wala naman akong sinabi na mahilig ka sa babae eh,"

"Ah hehe..."

"Alam mo ba ang taste ng mga tao dito pag sinabing Ganda ay si Cali agad ang perfect definition non?" Inosente pa siyang lumingon sakin.

Maganda naman talaga si Cali...

"Maganda naman talaga siya eh." Sabi ko.

"Yeah,At ang mukha ni Aesha dito ay yung tipo ng common pero may dating." Seryoso pang sabi niya.

Natigilan ako at inalala ang mukha ni Aesha.

Totoo ang sinabi ko,unang beses na tignan niya ako kahapon nung lapitan ko siya para mag tanong ay natameme na ako. Iba yung dating sakin ng mukha niya. Gandang-ganda ako sa kaniya at hindi ko talaga mapigilan mahiya kapag alam kong nasa iisang lugar kami.

Mataba ang cheeks,sakto lang yung haba ng pilik mata niya. Yung kilay niya na parang di pa nagagalaw kahit kailan at hindi yun plakada pero sakto lang din ang kapal. Yung mga mata niyang nanghihipnotismo sa sobrang daming emosyon kapag tinitigan mo,pero kung mukha niya lang ang titignan daig pa yung yelo sa sobrang lamig. Bilang ko rin ang nunal niya sa mukha hehe.

Parang mapa ng pilipinas.

Luzon,visayas,mindanao at may pa-NCR pa nga eh hehe. Tapos sa kabilang pisngi niya may isang nunal,yun ang west philippine sea hehe. Sakto lang din ang tangos ng ilong niya,maliit at ang cute tignan non. Pero kapag titignan mo ang side profile niya,ang tangos masyado ng ilong nagco-compliment yung tangos non sa nagsusumigaw niyang panga. Morena rin siya tapos uh,medyo maliit. Nasa 5'2 siguro yung height niya.

"Marami siyang kahawig dito," Muling nagsalita si Hazel.

"Talaga? Parang hindi naman common yung mukha niya,amazed nga ako nung unang kita ko sa kaniya. Ang ganda niya." Pagpapakatotoo ko at naramdaman ko naman na nilingon niya ako pero agad rin na tumingin sa harap.

"Ganitong oras talaga,masyado ng traffic dito sa veterans avenue eh." Ayan na naman siya sa mga malalayong sagot niya. "Gandang-ganda rin ako sa kaniya sa totoo lang," mayamaya pa'y dagdag sabi niya.

"Nakakahiya pero ako rin," sabi ko.

"Pwede mo bang sabihin kung bakit nagagandahan ka sa kaniya?" Natatawa pang sabi niya.

"Hindi ko ma-explain yung ganda niya. Siya yung tipo ng taong unang kita mo pa lang mahihigop ka na ng mata niya,tapos magkakandautal-utal ka na psh." Natatawang sabi ko bago ko nakamot ang sentido sa sobrang pagkapahiya.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon