Chapter 12

7 0 0
                                    

EIAN'S POV

MABILIS ang naging takbo ng oras matapos ang unang linggo ng pagbabalik eskwelang 'yon na siyang naging warm-up na rin ng lahat ng students para makapag-adjust sa bagong buhay na meron kami ngayon.

Month of september na ngayon,isang buwan na mula noong magbalik eskwela at nung mapabilang ako sa grupo nila Aesha. Madalang na rin kaming makapagsama sama dahil hindi nga nagtutugma ang sched namin. Level 4 ang karamihan sa amin magkakaibigan kaya sa friday and saturday na lang kami nakakapagsama sama para mag unwind sa paseo.

Napalapit na rin ang loob ko kay Aesha hehe.

Sa buong buwan ng august ay tanging sa Community,Hospital at school umiikot ang buhay namin. Naging mahirap nung unang linggo na ganon ang routine namin,pero ngayon ay nakasanayan na rin. Araw ng sabado ngayon at isang subject lang ang meron kami ni Aesha,minor 'yon.

"Ae,water." Abot ko sa kaniya ng isang bottled water.

Galing ako sa canteen para bumili ng maiinom at binilhan ko na rin siya dahil mukhang nauuhaw na siya.

"Thanks." Binigyan niya pa ako ng tipid na ngiti bago kunin 'yon.

Umupo naman ako sa tabi niya. May usapan kasi kami nina Cali na Tatambay kami sa paseo ngayon,para makapag-unwind. Buong linggo na 'to ay di kami nagkasama dahil nga nabusy ang kani-kaniyang linya.

"Anong oras daw matatapos ang class nila cali?" Malumanay na tanong ko nung makita kong tapos na siyang lumagok ng tubig.

"Ang alam ko,30 minutes lang ang lamang nila sa atin." Nakangiting sabi niya at tumango naman ako.

Nasa 15 minutes na rin naman kaming nag-uusap dito sa shed. Masyado siyang pormal makipag-usap sakin kapag naiiwan kaming dalawa,naiilang tuloy ako minsan. Kaya rin ako naru-run out of words.

"Busy na naman tayo next week," Pag-iiba ko pa ng usapan.

"Hm-mm,bloody week na naman." Pagbibiro niya pa at bahagya rin akong natawa.

"Can I ask?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Hmm,go on." Tumatangong sabi niya.

"Bakit masyado kang pormal kapag tayong dalawa lang? Eh hindi ka naman ganyan kapag kasama natin ang mga friends natin." Hindi ko rin napigilan ang paghaba ng nguso ko.

Naramdaman kong nagulat siya.

"N-Nahihiya ako." Mahinang sabi niya.

Nahihiya? Bakit naman?

"Sa akin?"

"Hm-mm."

"Eh? Bakit naman?" Malumanay na tanong ko.

"Basta. Psh,ang dami mong tanong buti nga kinakausap pa kita eh. Nagse-save ako ng energy para mamaya sa bangayan natin." Sabi niya pa saka bumanat ng malakas na tawa.

Sa mga nagdaan na linggo,ganyan na siya kakomportable sa akin...Or sa amin? Nagiging transparent na siya ulit sabi nila Hazel. Parang bumabalik na daw yung dating Aesha na masigla noong makilala nila.

"Bakit? Gusto mo na bang mag bangayan tayo ngayon kahit wala sila? Sige bigyan moko ng topic." Paghahamon niya pa.

Napailing na lang ako sa kapilyuhan niya.

"Nababaliw ka na." Napapangiwi kunwaring sabi ko saka tumungga ng tubig.

"Ginaganyan mo na ako ngayon ah," Parang batang sabi niya saka ako dinunggol dahilan para mawala sa bibig ko ang bukana ng bottle at bumuhos ang konting tubig sa damit ko. "Hala sorry,Eian." Natatarantang paumanhin niya naman.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon