Chapter 21: BACK STORY

4 0 0
                                    

Author's note: Mga tatlo pa o apat na back story at matatapos na rin ang history ng FerSha. Kailangan ko lang talaga i-explain kung saan galing yung malalim na galit ni Aesha,hindi ko na iisa-isahin pa yung araw ng palaro ha? Dun na lang tayo sa highlights ng dalawa. Thank you sa mga nagbabasa! You're so Fayntastic nyehehe. Don't be shy na mag leave ng comment po,it'll be well appreciated hehe. Thank you sa mga nagbabasa,kung meron man.

Enjoy reading...

***

AESHA'S POV

"FEELING ko yung radtech ang mag-uuwi ng korona tonight." Dinig kong bulungan ng mga students sa likod namin.

"Sana naman mabawi na yung title tonight,"

"Oo nga! Kahit ito na lang yung gift ng nursing department sa atin bago tayo grumaduate."

Kasalukuyan kaming nasa loob ng gymnasium,nanonood ng pageant ng iba't ibang department. Ngayon rin ang coronation night at closing remarks ng palaro. Naghahabulan ang scores ng Radtech at nursing,magagaling rin kasi sila eh. Bilang lang ang scores na inilamang ng nursing department,pag nanalo ang radtech ngayong gabi sa pageant na 'to ay paniguradong sila na ang mago-overall champion. Mahigpit ang labanan ng dalawang nasabing department.

"Sino ka dyan beh?" Natatawang bulalas ni jade,natawa rin ako dahil nabubulol na naman siya. Animong nang-aasar sa mga candidates kahit ang totoo ay napakalayo naman talaga namin mula sa stage,at through screen lang namin sila nakikita. Naramdaman ko pang dinunggol ni jade yung balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Sinong manok mo dyan?" Natatawa pa ring tanong niya.

"Psh. Kahit sino na," walang interes na sagot ko. Sumimangot naman siya.

"Sa nursing ka dapat. Suportahan mo si Harold oh!" Pagpupumilit niya pa,natatawang umiling na lang ako.

"Sows,namilit pa. Eh,kaya mo lang yan sinusuportahan kasi crush mo psh." Sabat pa ni hazel na nasa tabi ko,kumakain ng chips na binili niya kanina. Nasa gitna nila akong pareho.

"Eh,saan ka naman nakarinig na crush mo yung tao pero hindi mo man lang sinusuportahan? Hmp." Sabi naman ni jade.

"Sows. Chura niyan oh,demonyong-demonyo siya sa costume niya nyahahahahah." Pang-aasar pa ni hazel. Natawa rin ako at tinignan ang kabuuan ni Harold.

Nakasuot ito ng ethnic costume,na may kung anong hindi ko maintindihan na nasa ulo niyang nakapatong at para bang may something sa magkabilang gilid non. Nag hugis sungay tuloy. Lalo akong natawa.

"Hoy ang sama niyo ah,ang gwapo niya kaya!" Sita ni jade samin at bigla pang tumili ng mahina saka ako pabirong binatukan,Natatawa akong kumuha ng chips ni hazel.

"Gwapo nga,mayabang naman." Pang-aalaska pa ni hazel at muling sumubo ng chips. Inabutan niya naman ng chips yung mga kasama naming nasa gilid niya. Nasa harap namin si cali,german at chelzee.

"May point si hazel,kung hindi mo nga lang yan kababata ay nasapak ko na at naisumpa sa sobrang yabang." Natatawang gatong ko kay hazel.

Lumingon din si cali at natatawa,narinig ata yung sinabi ko.

"Ano jade? Kaya pa? Baka gusto mong lumipat dito?" Pang-aasar rin ni cali,lalo kaming natawa at may sumita pa samin mula sa audience.

Nanood na lang ulit kami,kinakabahan na ang halos lahat kung sino sa mga candidates ang mag-uuwi ng crown at title. Sa huli ay nagwagi ang nursing,maraming naghiyawan at natutuwa dahil sa wakas ay nabawi na daw ng BSN ang title na dalawang taong nawala sa kanila,'yon ang dinig ko sa mga seniors namin na nasa likod namin. Inanunsyo na rin ang total scores ng bawat department,lamang yung nursing kaya mas lumakas ang hiyawan sa gymnasium. May mga seniors pa na umakyat sa upuan at hinubad ang nakadobleng palaro shirt nila saka inikot-ikot sa ere. Natatawa rin ako sa mga pinanggagagawa nila.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon