Chapter 37

5 0 0
                                        

EIAN'S POV

MEDYO late akong nagising ngayong araw,Nag stretching pa muna ako bago dumeretso sa banyo para maligo. Hindi ako nakatulog ng maayos nitong nakaraan na mga araw dahil iniiwasan nga ako ni Aesha at napupuyat ako kaiisip kung bakit at kung may nagawa ba akong ikinagalit niya. Tapos kagabi hindi ako ulit nakatulog ng maayos dahil sa tuwa,natakot akong matulog kasi iniisip kong baka panaginip lang lahat tapos paggising ko hindi pala siya sakin.

Pero ngayon,totoo na! Akin na talaga siya.

Ang sarap ng buhay Lord. Salamat po ah,dininig niyo ang prayers ko na mapasakin yung babaeng mahal ko,wag po kayong mag-alala. Tamang tao po pinagbigyan niyo hehehe.

Nagtagal ako sa banyo,todo kuskos ako sa katawan ko kahit wala namang dumi. Matapos maligo ay pumili na ako ng isusuot na damit,nagpabango at inayos ang buhok. Kinuha ko rin yung gift ko para kay Aesha,nung christmas dapat 'to eh kaso hindi ako nakaalis ng bahay tapos hindi pa kami maayos pagkatapos non. Di bale,mabibigay ko na 'to sa kaniya ngayon.

Kinuha ko yung phone na nakalapag sa study table ko,dun ko lang napansin ang oras.

11:00am...

Dinial ko ang number niya,gising na siguro 'yon...

"Hello?" Mahinahong bungad niya,napangiti ako.

"Good morning,biw..." Nakikita ko yung sarili ko sa salamin,at natutuwa ako dahil ang laki ng ngiti ko at dahil 'yon sa kaniya.

"Hmm,Good morning." Malumanay na bati niya.

Ang lamya naman ata nito?

"Kagigising mo lang biw?"

"Medyo," Don ko lang napansin na may antok pa sa boses niya. "Thank you for calling," Mayamaya ay sambit niya nung di ako nakapagsalita.

"Late ka ata nagising biw?"

"Late rin akong nakatulog kagabi," Natatawang sagot niya,dinig ko pa ang paghikab niya kaya nangiti na naman ako,dahil naiimagine ko ang mukha niya.

"Ako rin naman,hmp."

"Kagigising mo lang din?" Natawa ako nung pumiyok siya.

"Kanina pa,susunduin kita. Ayos lang ba kung sabihin kong bumangon ka na dyan at maligo,biw?" Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa sa sobrang tuwa.

Hays...girlfriend ko na talaga siya.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong niya.

"Can I take you out for lunch?" Hinimas ko ang pang-ibabang labi ko saka ako ngumuso at napangiti.

Ang tagal niyang natahimik,kaya natawa ako. Mukhang hindi pa nagsi-sink in sa kaniya na kami na. Nakakatuwa naman dahil pareho pa rin kaming hindi makapaniwala sa nangyari kagabi.

"Biw?" Tawag ko ulit sa kaniya.

"O-Oh,sige. Babangon na ako..." Parang natutulirong sagot niya.

"Ipapaalam kita--"

"H-Hindi na," Nagulat ako sa biglaang putol niya sa sasabihin ko. Nawala ang ngiti ko at napalitan 'yon ng pagtataka. "Ang ibig kong sabihin,saka na lang natin ipaalam yung t-tungkol satin. Kung ayos lang?" Nauutal niyang dagdag nung hindi na ako nakapagsalita.

Napabuntong-hininga ako bago tumango-tango.

"Naiintindihan ko,hintayin na lang kita sa labas ng bahay niyo?" Malumanay kong sabi. Bukal 'yon sa loob ko.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon