Chapter 47

3 0 0
                                    

EIAN'S POV

"BIWBY,are you ready?" Tanong ko sa kaniya,may usapan kasi kami ngayon. Pinagpaalam ko na rin siya sa parents niya,pati na rin sa mga kapatid niya.

"Almost done,where are you?"

"On the way there..." Nakangiti kong sagot,habang nasa daan ang tingin. Naka on kasi ang speaker ng phone kaya kahit nasa dashboard ang phone ko ay nagkakarinigan kami.

"Hmm,ingat. I'll see you here." Bakas sa boses niya ang excitement bago pinatay ang linya.

Tapos na rin ang finals namin kaya tatlong araw kaming mawawala. Ngayon kasi ang birthday ni sasa kaya ngayon ko rin ipapakilala si Aesha sa pinsan ko.

Mabilis akong nakarating sa bahay nila Aesha,agad na sumalubong sakin si Kurt. Hindi na ako nagtaka na wala si kirsten parati siyang nawawala lately,nung mapag-usapan namin ng girlfriend ko ang hula niya raw may dinedate ang ate niya.

"Ang tagal nga eh..." sabi ni kurt nung makaupo kami sa sofa habang hinihintay ang kapatid niyang makababa.

"Hayaan mo na,I'm willing to wait." Nakangiti kong sabi at tinapik pa ang balikat niya.

"Psh. Forte mo yan eh,ang hintayin siya!" Pang-aalaska niya pa bago bumira ng hagalpak,ngumiwi na lang ako bago binawi yung kamay ko na nakapatong sa balikat niya,pagkatapos siyang tapikin.

"Alam mo naman ang mga babae,madaming kemerut." Natatawang sabi ko,nakangiwi niya akong tinignan.

"Nakakadiri ka bro! Kemerut amputa,kadiri ka! Gayshits!" Nakangiwing sabi niya.

"Ewan ko sayo,wala ka bang duty?" Natatawa kong pag-iiba ng usapan.

"Paalis na nga ako eh,hindi ko maiwan yung isa. Paano? Mauna na ako ah? Enjoy the vacation." Nakangiti niya akong tinapik bago tumayo,gumaya rin ako.

"Sige,salamat bro."

"Naks! Comfy ka na ah? Nice!"

"Psh! Hahahahaha you made me feel comfy eh." Kibit-balikat kong sabi.

"Kadiri ka talaga! Alis na ako. Hoy,ingatan mo 'yon ah? Ngayon lang yan pinayagan mag overnight ng ilang araw na nobyo ang kasama. Makakatikim ka sakin kapag may nangyaring masama dyan." Pagbabanta niya pa.

"Oo,umalis ka na. Saka ayaw kong tumikim sayo,nakakadiri ka rin!" Nakangiwing pang-aasar ko,sabay kaming natawa.

"Siraulo 'to! Akyatin mo na lang sa kwarto. Para tumigil na kakaayos."

Tumango na lang ako kay kurt at hinintay siyang makaalis,bago ako umakyat sa taas. Ilang beses pa akong kumatok bago niya ako pinagbuksan,ulo niya lang ang nakasilip sa pinto.

"Can I come in?" Magiliw kong tanong,nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at dun ko nakita ang kabuuan niya. Humalik muna ako sa pisngi niya bago siya hinapit sa bewang."You look stunning biwby,awee!" Hindi ko mapigilan ang mamangha.

"Really? Feeling ko hindi bagay eh." Nakalabing sabi niya,pinisil ko naman ang bewang niya saka ko pinisil ang braso niya.

"I swear,you're so sexy and beautiful with that evening gown. I can't wait to walk you down the carpet later." May pagmamalaki kong sabi at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Suot niya yung bigay kong gown sa kaniya nung first monthsary namin,Silk Gold ang tela non na hindi ko inakalang hahapit sa katawan niya. May mahabang slit sa kaliwang binti niya hanggang sa kalahati ng hita niya,laylay rin ang style non sa bandang dibdib na may manipis na tali papunta sa batok at exposed ang likod niya dun hanggang sa taas ng balakang. Bumagay rin sa gown ang suot niyang kulay pilak na heels na may lock sa taas ng ankle,mahilig talaga siya sa ganitong sandals. Maganda ang pagkakakulot ng buhok niya at may tatlong silver hairpin siya sa side,sa taas ng batok at hinapit lahat ng buhok niya papunta sa kanang balikat niya. Suot niya yung bigay kong necklace na bumagay lang sa suot niya,fresh lang yung make up niya pero bumawi na naman siya sa dark lipstick niyang red na pumares sa necklace niya. Silver rin yung kulay ng maliit niyang pouch.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon