AESHA'S POV
TODAY IS SATURDAY...
I've no contact with kristoffer for 5 days,nagte-text lang ako ng good morning message and konting update sa araw ko. Pero wala akong natatanggap na replies. Nagpakabusy na lang din ako para hindi ko masyadong isipin. Ito na ata yung pinakamatagal na pagkakataong hindi kami nagkakausap,maximum na yung 3 days dati.
Ganon ba siya kabusy?
Mahirap bang magreply?
Mabigat ba sa kamay yung phone?
Hindi naman aabutin ng limang minuto ang pagrereply diba? Ganon ba ako kaabala? Psh. Eh,bakit ako? Kahit masama yung loob ko sa kaniya nagagawa ko pa rin naman i-text siya para ipaalam sa kaniya kung anong nangyayari sa akin. Kahit ang dami kong ginagawa,nagagawa ko pa rin i-check yung phone ko pag nakahanap ako ng bakante. Every after class nga tinetext ko siya at kinukumusta. Nakakasama ng loob.
Kailangan kong kumalma.
Woooh!
Aesha,hindi sa lahat ng oras ay kailangan alam mo yung nangyayari sa kaniya. You have the rights to ask but you don't have the right to know everything,may sarili pa rin siyang buhay. Wag mong pilitin na gawin ka niyang mundo,dahil parte ka lang ng mundo niya at 'yon ang totoo.
Sige,saktan mo pa sarili mo...
Pero totoo naman kasi. When you really love,you don't expect anything in return. Hindi porket todo bigay ka ng oras sa tao kahit pa gaano ka kabusy,ay dapat ganon na rin siya sayo. Hindi naman kayo pareho ng paraan kung paanong maipaparamdam yung love sa isa't isa. Kung ikaw sa ganiyang paraan mo naipaparamdam sa kaniyang mahal mo siya,baka siya hindi sa ganong paraan at lalong hindi sa paraan na gusto mo. Nararamdaman mo naman yung love niya sayo diba?
Minsan...
Aiiish! Ano ba 'tong iniisip ko. Kuntento naman ako ng ganitong klaseng set up,yung walang usap-usap basta alam namin pareho kung anong kinabubusy-han namin. Basta alam namin pareho na at the end of the day,siya pa rin ang mahal ko at ganon din siya sakin kahit pa gaano katambak yung mga gawain namin.
Pero,mali bang mag hangad ng kahit goodmorning text lang? Or kahit simpleng "Kumusta na babe?" Hays. Sa totoo lang kahit nga ata tuldok lang i-text niya sakin mabubuo na araw ko. Hindi man lang ba ako sumasagi sa isip niya? Ganon siya kabusy? Eh,ako rin naman super busy ah? Pero walang oras na hindi siya sumagi sa isip ko kaya nga tinetext ko siya maya't maya.
Sa totoo lang kung ako ang tatanongin,kahit pa may gawin or ginagawa ako pwede ko pa rin naman siyang bigyan ng oras. Ang daming paraan. Para saan pa ang videocall? Pwede naman yung walang salisalita basta nakikita ko siya. Mas matutuwa ako na sabay kaming gumagawa ng gawain namin.
Nakakasakal na ata ako...
"Guys,sa mga groupmates ko sa Ethics mag-usap muna tayo saglit. Mag a-assign lang ako ng mga topics sa inyo para sa report natin,since palaro na next week mahaba-haba pa ang time bago yung reporting natin. Pero group 1 kasi tayo,kaya I need your cooperation kasi ako na rin ang gagawa ng slides. Send niyo lang sakin ang mga na-gather niyong info. Yes,minor lang natin 'to pero need pa rin bigyan ng effort." Parang pagod na pagod na siya Izha nung makalapit sa amin.
"Kaya nga eh,minor tapos sasabay pa talaga tsk. Eh may participation ako sa yell competition. Bukas sunday,imbes na pahinga natin magpra-practice kami buong araw for yell." Reklamo naman ng isa pa naming kaklase.
"I understand naman,pero okay lang din na sa next friday night niyo na ibigay sa akin ang topics niyo." Seryosong sabi ni izha. Napatingin ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...