Chapter 13

9 0 0
                                    

EIAN'S POV

NAKITA ko kung paanong kumalma ang mukha niya pagkasabi ko non,kaya nakaramdam din ako ng kapayapaan sa puso ko kahit papaano. Kitang-kita ko kung paano siyang namutla nung marinig niya ang boses na 'yon,para siyang tinakasan ng sariling dugo niya. Parang Pati kaluluwa niya ay humiwalay sa katawan niya.

Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko,kaya marahan kong pinisil 'yon at hinaplos gamit ang hinlalaki ko. Napatingin siya sakin,blangko na naman ang mukha niya pero sa mata niya ako nagfo-focus at alam kong may kaba pa rin siyang nararamdaman. Kaya naman binigyan ko siya ng ngiting naninigurong hindi ko siya pababayaan kahit anong mangyari.

"Gwen,kumusta?"

Natinag lang ako nung muling magsalita ang lalaking 'yon. Na kay Aesha pa rin ang paningin ko na nakatitig pa rin sa akin.

"Ah,yeah. Hi," Narinig ko ang Pilit na tawa ni Cali.

"Hi hazy,uyy jade long time... kumusta kayo? German boy!" Mataas ang energy na tawag niya sa mga kasama namin na nakatingin lang sa gawi nila.

"Yeah,Kristoffer. Long time. Kumusta?" Seryosong sabi ni Hazel.

"Ayos naman,ito magu-unwind kasama squad. Hectic kasi kami for the past few days." Masiglang sabi naman niya.

"I see," Nakangiwing sabi ni hazel at saka binigyan sila ng pilit na ngiti.

"Oh,Hi. May kasama pala kayo?" Alam kong sa amin siya nakatingin. At baka nga di pa nakikita ang mukha ni Aesha dahil sa tangkad ko ay paniguradong natatakpan siya ng katawan ko.

Marahan akong lumingon sa gawi niya habang hawak pa rin ang kamay ni Aesha na halatang ayaw akong bitiwan sa higpit ng pagkakakapit. Animong sa akin kumukuha ng lakas,pasimple ko naman 'yon hinaplos ulit gamit ang hinlalaki ko.

Kita ko kung paanong nagulat ang mga kasama niya nung makitang tumayo ako. Hindi hamak na mas matangkad ako sa kaniya kaya bahagya siyang nakatingala sakin.

"O-Oh,hi big man. I'm Kristoffer Allan Tee." Wala sa sariling pinakilala niya ang sarili niya saka inilahad ang kamay sakin.

Matagal ko 'yon tinitigan,bago ko ibalik sa kaniya ang tingin ko.

"Eian Cervantes." Pormal kong inalok sa kaniya ang kamay ko.

Napatingin ako kay hazel noong mameke siya ng ubo. Kaya agad kong nabawi ang kamay ko sa kumag na 'to.

"That man right there is Aesha's boyfriend,kristof. We're glad you meet him now."

Pinigilan ko ang sariling mata na manlaki sa gulat ng sinabi niya. Hindi ako handa sa isang 'yon ah! Hawak lang ang kamay ni Aesha naging boyfriend na agad?

Pero sige...pabor naman sakin ehe.

Nakita ko pa kung paanong sinilip ng kumag ang bandang likuran ko at nung lingunin ko rin si Aesha ay may hawak na itong pizza sa kabilang kamay at kumakain na parang walang nangyayaring nakakainit ng pwet.

"I-I See..." Sabi ng kumag nameke pa ng tawa.

"Hi Aesha!" Mabilis akong napalingon nang magsalita ang isang matangkad na lalake. May katabaan ito pero bumagay naman sa height niya,mas Matangkad siya sakin. Moreno tapos kulot,ngiting-ngiting kumakaway kay Aesha.

Nakita kong tumayo si Aesha kaya kinabahan ako. Sa mga nababasa ko kasi ay kapag ganitong eksena may sapakan bigla,sa init ng ulo ni Aesha baka may masapak siya.

Kahit parang di naman siya nananapak.

Hawak niya pa rin ang kamay ko.

"You know them?" I asked her.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon