CALISTA'S POV
"Ang bastos diba?" Sabi ni hazel pagkatapos umalis ni Aesha.
Natahimik lang ako. Gustong-gusto kong yakapin si Ae,pero hindi na siya kagaya nung dati na super clingy sa amin. Yung bigla bang nangyayakap out of nowhere tapos ang comforting ng yakap for some reason.
"Pero truth is,naiintindihan ko kung bakit siya ganyan. Alam ko naman na di niya sinasadya yung mga actions niya lately." Biglang umiba ang tono ng boses ni Hazel,from irritated to broke real quick.
The moment na humarap siya ulit,nanunubig na yung mga mata niya.
"Kaya nga ako tuwang-tuwa na nag face to face na ulit,kasi akala ko magiging masaya na ulit si Ae kasama tayo. Alam niyo naman na yun yung bumubuhay sa grupo natin. Hindi ko ine-expect na nadala niya na sa real life yung pagiging distant,akala ko sa social media lang siya naging distant eh." Nag unahan na yung mga luha sa pisngi niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya,ang bilis ko pa naman mahawa pag may umiiyak sa harap ko. Pinilit kong lumunok ng laway,hoping na it will help me from bursting too.
"Alam naman natin yung mga nangyari sa kaniya kung bakit siya naging ganyan,and I won't deny na grabe yung nangyari two years ago. Instant killer sila sa part na 'yon." Pigil ang galit ko habang sinasabi 'yon.
Aesha is the most genuine person I've ever met. Gaya nila hazel hindi rin ako sanay na ganito siya kumilos ngayon,given naman na yung wala talagang reaksyon yung mukha niya dati pa and flat talaga yung tone niya pag nagsasalita. Pero kung dati aware kami na normal niya 'yon,ngayon naninibago kami kasi ramdam namin yung coldness and walls na na-built niya.
"To be honest,hindi ko inaasahan na ganon yung magiging epekto nila sa kaniya. Aesha used to be unbothered,kaya nagugulat rin ako sa mga kinikilos niya nowadays." Sabi ni daisy at para bang may pilit na inaalala.
"Diba?" Komento ni hazel,para bang nakahanap ng kakampi. "Hindi niya naman mahal 'yon dati ah? Hindi ko alam bakit biglang umiba takbo ng mundo niya nung tumagal. Dumagdag pa yung traydora na 'yon. Tapos kinampihan pa ng magtro-tropa. Nakakainis." Sumisinghot na litanya ni hazel.
Uminit na naman ulo ko nung maalala ko yung mga taong nabanggit ni hazel.
"Deja vu nga eh,halos ganito rin yung nangyari sa first love niya. Trinaydor siya ng bestfriend niya,palihim nakikipag relasyon sa boyfriend niya dati tapos pag kaharap niya akala mo kung sinong mga santo at santa sa bait. Sinuportahan rin yun ng mga tropa nila. Ang masakit dun,yung betrayal nangyari 2015 tapos inamin sa kaniya nung ex bff niya 2019 na,tapos nung 2020 yung ex niya ang mismong nagchat sa kaniya para aminin yung panloloko na ginawa nila kay Ae. Yung sumalo ng galit ng mga tao dati si Aesha. Pero hindi siya nagpa-apekto non." Pagku-kwento ni Daisy.
Grade 7 pa lang,magkasama na sila ni Ae. Kaya mas kilala niya si Ae,pero di naman ganon kahirap kilalanin si Ae kasi ang bilis niya mag open ng life sa tao. She was taken for granted several times,kaya nagbago. They took advantage of her kindness.
Agad na nagsalubong ang kilay ko nang may marealize ako sa sinabi ni Daisy.
"Teka,2020 inamin ng ex ni Ae yung kagaguhan na ginawa nila nung 2015? Eh hindi ba 2020 rin nung mangyari kay Ae yung another betrayal from different group of people?" Tanong ko.
"Hmm," tumango si daisy,natigilan ako at di malaman ang sasabihin. "Sa pagkakatanda ko ang sabi ni Ae sa akin non,hindi niya alam ang mararamdaman niya nung kay Jave niya mismo nalaman yung nangyari nung 2015. Kasi nung time na 'yon,ongoing na rin yung pagkasira ng buhay niya?" Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...