Chapter 53

2 0 0
                                    

CALISTA'S POV

"BABI,tara dito!" Narinig ko na lang ang sigaw ni axel mula sa di kalayuan. Langya 'to,iwan ba naman ako sa dagat? Bwiset.

Nawala ang tingin ko kay Aesha at Eian na papalapit kay Daisy and shaira na abala sa pagkuha ng mga litrato sa isa't isa. Nakita ko si Axel na lumapit sa mga kasama namin,yari ka talaga sakin Aleman ka!

"Ang tagal mong kumilos tabachoy!" Muli pang sigaw ni axel na ikinatawa ng mga kasama namin,bwiset ka talaga.

Ipapahiya mo pa ako ah? Saka,mataba ba ako? Psh. Pisngi ko lang ang mataba sakin,hindi katawan leche ka talaga Axel!

"Bobo naman kumuha ng picture nito!" Bulalas ni daisy kay shaira,natawa ako pati na rin ang mga kaibigan namin,dahil magsisimula na naman ang baradgulan nila.

"Bakit na naman ba? Ayos naman ah?" Inis din na sabi ni shaira.

"Ayos ba yan? Mas malabo pa yung litrato sa relasyon niyo ng jowa mo! Argh! Nakakainis!" Badtrip talagang nagpapadyak si daisy sa buhanginan.

"Ano ba yang pinag-aawayan niyo?" Natatawa kong sabat nung tuluyang makalapit,hindi ko pinansin si Axel na sumunod sakin.

"Ito kasing si shaira!" Animong batang nagsusumbong sa nanay na sabi ni daisy.

"Oh?"

"Ang labo ng mga kuha niya sakin,ang pangit pa ng pagkuha niya ng angle." Nakasimangot na sabi niya at lumapit pa samin nila Aesha para ipakita yung phone niya,"Tignan mo yung kuha niya," Sabi niya at ni-swipe niya 'yon para ipakita samin ang mga litratong pangit nga ang kuha at malalabo pa."Diba? So pangit!" Iritang sabi niya at ngumuso,natawa kami sa inasta niya. Muli niya pang ni-swipe 'yon."Look what I got here for her,psh! Instagramable,bitch! Then look what she had capture for me,Argh! I really hate you shai!" Parang batang sigaw ni daisy at ngumuso,umiiral na naman ang pagiging spoiled brat niya.

Magaganda nga yung kuha niya kay Shaira,samantalang sa kaniya ay yung tipo ng picture na ide-delete mo na lang sa gallery mo. Daisy loves photography so much kasi,dyan kami nagkakasundong tatlo ni Aesha. While shaira loves to take photo of herself only,sa selfie or groupie siya marunong kumuha ng angle. Nasanay rin siguro sa front cam kaya hindi sanay tumingin ng tamang anggulo. Nung tignan ko si shaira ay nakangisi na ito at nag peace sign pa,natatawa akong umiling.

"Para kayong mga bata," Natatawang sabi ni Aesha at umiling pa,don ko lang nakita ang kabuuan niya. She's wearing a yellow piece na kita ang likod,morenang-morena ang kulay at lalo pang na emphasized 'yon sa kulay na suot niya,nakapusod rin ang magulong buhok niya sa taas at may ilang hibla ang nakaladlad sa gilid ng mukha."Give me your phone,ako na kukuha ng picture sayo." Nilahad ni Aesha ang kamay sa harap ni daisy na agad rin nagliwanag ang mukha.

"Omg! Thanks,Ae! Yudabes!" Yumakap pa ito kay Aesha bago inabot ang phone.

"Hmm,take off your scarf tapos pumwesto ka dyan malapit sa dalampasigan." Seryosong sabi ni Aesha.

"Eh? Nakakahiya!"

"Psh! You ask for instagramable photos then you don't obey your photographer? Uh,yeah that's rude Daisy Marie." Sarcastic na sabi ni Aesha at pinalo-palo ang palad niya gamit ang phone ni Daisy,natawa na lang ako nung nahihiyang tumango si daisy at tinanggal ang nakapulupot na scarf sa bewang niya."Here,use my shades. Lagay mo sa taas ng ulo mo,then pwesto ka na don habang maganda pa yung papalubog na araw." Seryoso pero nakangiting inabot ni Aesha ang shades niya kay daisy.

Napasunod na lang kami sa kanila ng tingin nung magsimula silang talikuran kami at maglakad palapit ng dalampasigan. Naiwan kami sa mga pwesto namin habang nakatanaw sa kanila,habang naglalakad ay sinisimulan na ni Aesha kuhanan ng candid photos si daisy. Napangiti na lang ako,hilig niya talaga kumuha ng stolen photos and candid shots. Maganda rin siya kumuha ng mga blurry pics na nagmumukhang aesthetic ang dating o kaya 80's to 90's.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon