AESHA'S POV
SUNDAY ngayon at nasa bahay lang ako,nagbabasa-basa ng advance kahit wala pa namang syllabus na binibigay sa amin. Wala lang talaga akong magawa,wala rin naman akong lakad ngayon.
Bigla-bigla kasing pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Eian. Bakit niya ba kasi kailangan pang sabihin sakin 'yon? Hindi niya ba pwedeng sarilinin na lang? Hindi naman ako basta-basta nagpapaniwala sa mga nakikita ko eh,lalo na sa mga sinasabi sakin. Pero masyado siyang natural! Parang nakakakonsensyang pag-isipan ng masama.
Kaya lang siya ganyan sa ngayon kasi wala pa siyang alam. Sigurado akong babaluktot dila non pag nalaman niya kung anong klaseng babae ako.
Inis akong bumangon sa kama,nakadapa kasi akong nagbabasa kanina pa. Pero hindi naman pumapasok sa utak ko yung binabasa ko,parang dinadaanan lang ng mga mata ko bawat salits. Tapos yung laman ng utak ko puro...Hish! Lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumuha ng snacks pero napahakbang ako ulit paatras nung mahagip ng mata si kurt.
"Oh? Wala kang duty?" Tanong ko.
"Night shift." Casual na sagot niya. Tumango naman ako saka lumapit na lang sa kaniya,napansin ko kasing may chips siya don. "Akala ko may lakad ka. Ngayon ka lang lumabas ah?" Kunot-noong tanong niya.
"Bored nga ako eh,wala akong magawa. Wala rin naman akong lakad,hindi rin pumapasok sa utak ko yung mga binabasa ko..." Humina ang boses ko sa huling sinabi ko saka napaiwas ng tingin sa kaniya.
"Kakatapos lang ng midterms diba?" Takang tanong niya.
"Oo nga,"
"Eh,anong binabasa mo?"
"Wala,trip lang." Seryosong sagot ko saka sumandal sa sofa.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Oo,drained lang siguro." Palusot ko saka siya nginitian.
"Mag pahinga ka naman,puro ka aral." Seryosong sabi niya. Napalunok ako.
Hehehe,kung alam mo lang baka hinampas mo na ako ng steth mo.
Natinag kami nung mag ring yung phone niya. Nagtataka niya naman 'yon kinuha.
"Sino naman 'to?" Salubong ang mga kilay niya nung tignan niya ang screen pero sinagot niya rin. "Yes,hello?" Pormal na sagot niya dito. Natigilan naman siya saka lumingon sakin. "Ah,yeah. She's here. Hmm,sure." Sabi nito saka inabot sakin ang phone.
"Hello?" Nangangapang sabi ko.
"Hoy! Bakit naka-off yung phone mo ah? Akala namin may lakad ka eh." Psh. Boses ni hazel.
"Bakit ba? Nagbabasa ako kanina eh,"
"Labas tayo," yaya niya at nabuhayan naman ako dahil sa sinabi niya.
"Saan?"
"Paseo."
"Ngayon na?"
"Mayamaya,saktong pa-sunset."
"Oh,okay. Mag re-ready na ako."
"Sige..."
"Wait! Sino-sino ba?"
"The usual. Dali naaa,hintayin ka namin." Naiinip na sabi niya.
"Sige,bye." Sabi ko saka binalik kay kurt yung phone.
"May lakad ka?"
"Hmm,bored ako dito eh. Gusto mong sumama?" Yaya ko pa. Umiling naman siya saka ngumiwi.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...