EIAN'S POV
"HEY,stop. Ang daya mo eh!" Natatawa kong sabi sa kaniya.
"What?" Natatawa niya ring tanong at sinalinan ulit yung baso ko.
"Nilalasing mo ako biw,ang daya!" Sabi ko at ngumuso bago tinungga 'yon.
"Eh,hindi rin naman ako mabilis malasing." Singhal niya pa bago tinungga yung laman ng baso niya.
"Umahon na tayo biw,late na. 11pm na oh." Anyaya ko na sa kaniya,nakaupo kami sa pool side at kanina pa kami umiinom,halos maubos na namin yung wine. Nagulat pa ako nung makita ko siyang humiga sa semento ng pool. Binitiwan ko ang phone ko sa grass."Yan ba ang hindi lasing? Come on,i'll take you to your room na." Tinapik ko yung balikat niya.
"I'm not drunk,swear to God!" Natatawa pang sabi niya pagkatapos ay nginuso ang kalangitan na napapaligiran ng kumikinang na mga bituin.
"Yes,you're drunk. Come on biw,may class pa tayo bukas." Seryosong sabi ko,inurong niya ang sarili niya palapit sa pool kaya alerto akong bumaba ng pool palapit sa kaniya para maharangan siya mula sa pagkahulog.
"Are you going to kiss me?" Nakangiting tanong niya. Umiling ako.
"Lasing ka na. Tara na."
"I said,I'm not drunk." Matigas na sabi niya at mabilis na umupo at yumuko para tignan ako. Humawak siya sa balikat ko at tinulak ang sarili pababa ng pool,napatitig ako sa mga kilos niya,"See? I'm not drunk biwby." Malokong sabi niya at bahagya akong tinulak papunta sa gilid ng pool at cinorner ako. "I want to kiss you,Eian." Seryosong sabi niya. Napalunok ako.
Umiling ako. Eian,lasing na yung girlfriend mo! Wag mo na patulan. Mas malakas ka sa kaniya,move! Stop her.
"Pero Aesha,lasing ka na nga kasi." Napapakamot sa sentidong sabi ko.
"Hindi nga sabi eh! Isa pang sabi na lasing ako,maiinis na ako sayo. Hindi kita kakausapin ng dalawang linggo! Sige ka!" Pagbabanta niya pa kaya nanlaki ang mga mata ko.
Grabe! Dalawang linggo? Daheck. Matagal ko siyang tinitigan,lalo niya pa akong sinugod hanggang sa wala na akong maatrasan. Dikit na dikit na yung katawan namin pareho.
"Kiss me or I'll kiss you..." Natatawa niyang sabi,umiling ulit ako. May tama na talaga siya. "Wala akong tama sabi!" Sigaw niya,nanlaki ulit ang mata ko.
Sinabi ko ba? Wala naman akong sinabi ah? Sige,sa isip meron. Ano ba 'to? Mind reader?
"Aesh--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung bigla niya akong siilin ng halik. Napahawak ako sa bewang niya para itulak pero mabilis niyang nahahabol ang labi ko.
"Hindi ako lasing..." Mahinang sambit niya matapos maglayo ng mga labi namin.
"H-Hindi nga,ihahatid na kita sa kwarto mo." Napapalunok kong sabi.
"Ayoko nga umalis dito." Pagmamaktol niya.
"Eh,baka nilalamig ka na biw."
"Eh,di painitin mo ako hehehe." Nakangiting sabi niya at siniksik sakin ang sarili.
Hindi na ako nakakilos nung muli niya akong siilin ng halik,nilayo ko siya sakin at nagtataka naman siyang tumitig sakin. Bumuntong-hininga ako saka siya hinawakan sa mukha.
"I don't want to do it if you're not sober." Malumanay kong sabi.
"Hindi nga ako lasing biw,nakainom lang ako pero hindi ako lasing. Tanungin mo ako ng 1 plus 1. Dali isasagot ko ay eleven." Natatawang sabi niya.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...