AESHA'S POV
NAGISING ako sa sunod-sunod na ring ng phone ko. Kaya pikit mata ko 'yon kinuha at sinagot.
"Oy?" Sagot ko rito.
"Nasaan ka? Wala ka na rito sa school." Bakas ang pag-aalala sa boses niya.
"Nasa bahay na ako kanina pa around 3." Antok pang sabi ko.
"Ayos ka lang ba? Ang lamya mo ata?" Mas lalong bumakas ang pag-aalala sa boses niya.
"Yeah,kagigising ko lang." Sabi ko naman.
"Pupuntahan sana kita sa room mo kasi di mo sinasagot tawag ko,papaalam sana ako na di kita maisasabay kasi mago-overtime ako ngayon. Buti nag tanong ako sa mga Students." Daldal niya pa.
"Sige na,ingat." Sabi ko.
"Si kirsten nag text sakin na dun na daw muna siya makikitulog sa bestfriend niya dahil may tatapusin daw sila. Mamaya pa ako makakauwi,um-order ka na lang ng food mo ha?" Habilin niya pa.
"Oo sige,matutulog na ako ulit--"
"Lock the doors,Aesha." Full of authority na sabi niya kaya bumuntong-hininga na lang ako.
"Sige,bababa na lang muna ako para i-lock yung main door pati na rin sa likod. I'll cook na rin for dinner,initin mo na lang mamaya ha?" Sabi ko naman at bumangon na mula sa pagkakahiga.
"Don't worry about me,may duplicate keys naman ako kaya wag mo na ako hintayin mamaya. Are you sure na magluluto ka?" Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.
"Yeah,nawala na rin naman yung antok ko. Psh. Distorbo ka kurt."
"Ang sama ng ugali nito,"
"Yeah whatever,sige na byebye." Sabi ko saka ko pinatay ang linya.
Napatingin ako sa phone ko.
6:00pm na? Bitin tulog ko bwiset yan.
Badtrip akong lumabas ng kwarto saka dumeretso ng kusina. Pero agad rin akong lumabas ng kusina para i-lock ang back door and main door. Saka ako bumalik ng kusina para magluto ng fried chicken,dahil yun lang ang madaling lutuin na pumasok sa isip ko. Binuksan ko yung ref para kuhanin ang chicken at kumuha ng dalawang thigh and dalawang Breast saka ko yun minarinate bago i-fry. Nagluto na rin ako ng kanin sa Rice cooker para mas mapabilis,tapos nag boil rin ako ng dalawang egg hehe.
Mag aalas otso na nung matapos ako sa ginagawa ko,kaya naman nagsimula na akong kumain. Minadali ko na ang pagkain ko,dahil may gagawin pa ako. Pagkatapos hugasan ang mga pinagkainan ko ay saka ko pa lang binalatan yung dalawang nilagang itlog. Saka ako gumawa ng sawsawan hehe. Suka na nilgyan ko ng saktong asin para di ganon ka asim hehe tapos nilagayan ko rin ng sili saka ako lumapit sa ref para kumuha ng Vitasoy na chocolate at masayang dumeretso sa kwarto.
Kinuha ko ang laptop ko at inabot ko rin ang bag ko saka ko inilabas don ang papel na pinagsulatan ko kanina sa library,don ako nag simulang i-search ang mga bagay na di ko naintindihan saka sinubukan 'yon pag-aralan. Habang kumakain ng boiled egg na binubuhusan ko pa ng suka.
Hindi ako kumakain ng balut ba 'yon? Balot? Whatever. Basta yung itlog sa streets na binebenta huhu. Hindi naman sa nandidiri,duh kumakain nga ako ng streetfoods psh. It's just that nakokonsensya ako sa sisiw na laman non,feeling ko ako yung pumatay sa kanila pag naiisip kong kumain ng ganon huhu. Kaya itong egg na lang ang kinakain ko masarap naman.
Ang sarap huhu...
Lalo akong ginaganahan mag-aral habang kumakain ng nilagang itlog na may sukang maanghang. Tapos sinabayan pa ng pagkalamig-lamig na vitasoy. Satisfying masyado.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...