Chapter 35

4 0 0
                                    

AESHA'S POV

DECEMBER 14 na ngayon,tatlong linggo na nila akong hindi pinapansin. Paano kaming magpapansinan eh,iniiwasan ko rin sila. Halos hindi ako tumatambay sa school para hindi kami magpang-abot. Deretso lang din lagi ang tingin ko kahit pa nakikita ko sila sa gilid ng mga mata ko,may minsan pang nakasalubong ko sila pero nilagpasan ko lang sila.

Masama na ako sa pagtitiis,pero pride na lang ako meron. Aminado akong at fault ako,but I'm so sicked explaining my side pero wala din namang makaintindi. Sayang sa energy.

Last day na namin sa school bukas,next year ng january na kami babalik. Kung hindi nila ako papansinin at kakausapin,di wag. Kaya kong mag christmas at mag new year mag-isa. Matapos ang class ko ay nagmamadali akong umalis ng school at naghintay ng jeep na masasakyan.

Nag commute ako today,wala ako sa mood mag drive. Mabilis akong nakasakay sa jeep pero paalis na dapat 'yon...

"Aesha..." Nanlambot ako sa boses na 'yon.

Hindi ko na nagawang lingunin dahil umandar na ang jeep na sinasakyan ko. Napatingin ako sa pinanggalingan ko,Nakita ko si Eian na nakahawak sa dalawang tuhod at nakayuko,parang hinabol ako sa mabilis na paglalakad ko kanina.

Hindi ko namalayan na nag-unahan na yung mga luha sa mata ko. Mabilis kong pinahid 'yon dahil napapatingin na sakin yung ibang pasahero. Hindi ko na pinansin yung mga bulungan dahil biningi ko na lang ang sarili ko. Nung makarating ng town ay mabilis kong inabot ang bayad ko at hindi na hinintay ang sukli kahit singkwenta ang inabot ko. Nagmadali akong bumaba at inuunahan ko rin ang mga taong nasa harap kong naglalakad,daig ko pa ang may hinahabol sa sobrang bilis ng lakad ko.

Ang balak ko talaga ay umuwi na pero dinala ako ng paa ko sa paseo.

Malungkot kong sinalubong yung hangin ng paseo,gaya pa rin ng dati ang epekto non sakin. Para pa rin akong inaalo. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad ako papunta sa pinakadulo ng paseo,para akong tanga na nakiupo sa cement bench na puro mag-jowa at magbabarkada ang mga nakaupo don.

Samantalang ako mag-isa.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin na nakatuon sakin,tinignan ko na lang ang papalubog ng araw.

Dati-rati si krsitoffer ang kasama ko sa pagnood niyan,madalas rin mga kaibigan ko,at may minsan pang si Eian ang kasama ko...

'Yon ang panahon na umamin siya sakin ng nararamdaman niya...

Pero nakakalungkot yung katotohanan na mag-isa ako ngayon.

"Ang bilis mo talagang mag lakad..."

Natigilan ako nung marinig ko ang isang pamilyar na boses kahit pa hinihingal ito.

Dahan-dahan akong lumingon.

"Jade..." naibulalas ko na lang sa gulat.

"Upo ako ah?" Sabi niya na nginuso ang tabi ko,wala sa sariling napatango naman ako. Hindi ako nakapagsalita at nagtataka ko siyang tinignan,"Why are you staring like that?" Natatawang tanong niya.

Napako lang ang tingin ko sa kaniya at hindi nakapagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Naitanong ko na lang matapos matauhan. Binalik ko ang tingin ko sa papalubog na araw.

"Namimiss na kita eh," Malumanay niyang sagot.

"Ah.." Lang ang naisambit ko,hindi ko siya nilingon.

"Grabe,hindi talaga namin matalo pride mo 'no?" Natatawang sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sobrang pagtataka,pero hindi ko na lang siya nilingon pa.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon