Chapter 1

6 1 0
                                    

AESHA'S POV

"Graduating na talaga tayo omg!" Napatili si Daisy at bahagya rin siyang natahimik nung makita kong sikuhin siya ni Hazel.

"Ahm,sorry medyo na-excite lang hehe." Bawi ni daisy at nag peace sign pa.

Napailing na lang ako.

"Ayos lang,totoo naman daisy eh. Graduating na kayo kaya dapat mas lalo niyong galingan hmm?" Tinaas-baba ko yung kilay ko para malaman nilang ayos lang sakin na ganon ang usapan nila.

Magkakasabay kami dapat,pero nahinto ako ng isang taon. Well,to be honest hindi lang ako ang huminto nung magkaroon ng virus outbreak. Halos kalahati ng batch namin napilitang huminto sa magkakaibang rason. Yung iba financially unstable kasi sino ba naman ang mag aakala na biglang magkakaroon ng virus outbreak na nagpabago sa buhay ng lahat ng tao.

Yung iba naman sapilitang huminto dahil hindi sang-ayon sa Online class,Ang daming nagsusumigaw ng Academic freeze noon pero hindi napagbigyan ng nakatataas. Kasi kung hihinto nga naman ay paniguradong maiiwan.

Pero sabi nga nila,hindi naman ito karera at kailangan mong mauna.

"Ang insensitive mo kasi." Dinig kong bulong ni hazel.

"Wag na nga kayong magtalo,ayos nga lang. Besides matagal ko naman ng tanggap na behind na talaga ako ng isang taon. Ang importante iisang destination pa rin papupuntahan natin." Sabi ko.

At ang destination na 'yon ay ang hospital.

"Ang tagal rin natin nakakulong sa bahay 'no? Umay na ako sa face shield and mask na ginagamit natin everytime na lalabas tayo. Finally,now we're free again." Daisy.

"Saka nag face to face na rin ulit sa wakas," Hazel.

Ang daming nasira ng Pandemic na 'yon. Pangarap,mga planong naantala,negosyo pati na rin Mental Health at buhay ng mga tao nalagay sa peligro.

Hindi ko masisisi yung iba na hindi pa rin lumalabas ng bahay dahil traumatized pa rin sa virus. Everybody's trying to cope up. It really takes time para tuluyang makabangon ang lahat.

Napabuntong-hininga ako nang tignan ko ang paligid ko. Marami pa rin ang naka mask,I can't judge their trust issue.

"Earth to Ae? Hello?" Nabalik ako sa ulirat nung marinig ko ang pagpitik ni Daisy sa harap ng mukha ko.

Nasa Likod kami ngayon ng Nursing Building dito kami madalas tumambay dati,break time namin ngayon. Eh itong dalawa lang kapareho ko ng schedule ngayong araw kaya sila rin yung kasama ko ngayon.

"Are you even with us? Bakit parang out of the world na naman yung iniisip mo?" Hazel.

Napailing ako.

"Sorry,naninibago pa rin ako eh." I said.

"Naiintindihan namin,sino ba naman hindi maninibago eh ngayon na lang ulit tayo nakalabas na gaya dati." Hazel.

"Hello ladies!"

Bigla kaming napatingin sa nagsalita.

"Cali girl hello," palahaw naman ni daisy at tumayo pa para salubungin ng yakap si Calista. Pero bahagya rin napatigil nang may maalala. "Okay na ba mag yakapan?" Alanganing tanong ni Daisy na ikinatawa namin.

Ito yung ibig kong sabihin na traumatized pa rin ang halos lahat. Nasanay sa social distancing.

"Distansya na lang muna ng konti para sure tayo,by the way namiss ko kayo." Sabi ni Cali pagkatapos niya kaming ibeso in distance. Saka siya umupo sa tabi ko.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon