EIAN'S POV
WEDNESDAY ngayon at katatapos lang ng basketball ng mga babae,magagaling ang mga players kaya hindi ako nakarelate sa sinabi ni Aesha nung isang araw na nakakatawa daw. Kahit siya ay nakitaan ko ng interes sa panonood kanina,seryoso siyang nanonood at napapatango pa kapag nakakapuntos yung mga babae,kahit alin sa dalawang team. Kita sa kaniya ang paghanga. Naalala ko yung sinabi niya nung isang araw na hindi daw siya mahilig manood ng laro.
Naibigay na rin sa amin yung ticket namin kahapon bago kami umuwi. Excited ako para sa movie marathon,papunta na kami ng grand mall at dun na lang kami kakain since mamaya pa namang 5pm yung cine namin at alas tres pa lang naman. Yung van ni cess pa rin ang ginamit namin at tuwang-tuwa na naman si hazel dahil kahit papaano daw ay may day off siya sa pagd-drive kahit ilang araw lang daw.
Nung dumating sa grand mall ay pinagtitinginan kami,dahil siguro sa dami ng bilang namin. Kasama rin namin si reyn,hindi kasi kami nagkakasama nito. Nagpapansinan lang sa campus kapag nagkakasalubong.
"Uyy,saan tayo kakain guys?" Mayamaya ay tanong ni reyn. Tuloy pa rin kami sa paghahanap ng makakainan,halos puno kasi ang lahat mula pa sa fast food chain resto sa first floor.
"Gusto niyo dito na lang tayo sa korean resto?" Suhestiyon ni Cali.
Nagkatinginan ang mga kasama namin saka excited na tumango. Kaya dun na lang kami pumasok sa korean restaurant na tinuro ni cali,agad rin na dumulog samin ang isang babaeng may hawak na menu at inasikaso kami. Hinayaan na namin na si cali ang um-order ng kakainin namin.
"Excited ako sa nursing night,gahd." Mayamaya ay bulalas ni reyn,napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat.
"Basta ako naaalala ko pa rin kung paano kang nahulog sa hagdan ng sinehan,reyn." Natatawang sabat ni daisy na ikinatawa ng lahat,wala man ako sa panahon na 'yon ay natawa ako dahil naiimagine ko. Ngumuso si reyn at sinamaan ng tingin si Daisy.
"Eh,nahulog yung salamin ko nung oras na 'yon tapos saktong madilim pa. Tangina talaga,ayoko na lang alalahanin." Naiinis na sabi ni reyn pero natawa lang yung mga kasama namin,nangunguna ang lakas ng tawa ni Aesha kaya napapatingin ako sa kaniya. "Tawang-tawa Ae ha?" Pagtataray pa ni reyn kay Aesha.
"Sorry,hahahaha! Alam mo na kasing madilim,dun ka pa pumwesto sa hagdan eh ang lalaki ng pagitan ng bawat steps non." Naluluha na si Aesha sa kakatawa.
Napapadalas na yung pagtawa niya nang ganito ah? Hehe...
"Woaw ha! Parang officer kasi ako ng SNA? At dun talaga ang pwesto namin non. Buti nga kayo ang ganda ng upuan niyo." Pabirong sabi ni reyn pero naaasar pa rin,lalong lumakas ang tawanan sa mesa namin at napapatingin pa ang ibang tao na malapit sa amin.
"Kasalanan mo rin kaya 'yon! Ang likot mo para kang kitikiti. Alam mong madilim,panay pa rampa mo." Patuloy pa rin sa pang-aasar si Aesha.
"Parang ako yung nagche-check ng attendance ng level 1 'no? Ang dami niyo tapos tangina kayong lahat,ang kalat niyong pumwesto. Pahirap kayo sakin!" Madamdaming sabi ni reyn. Natatawa na lang kami sa bangayan nila.
"Ikaw lang ba yung officer? Kinarir mo kasi masyado." Panggagatong na asar ni Cali,lalong sumimangit si reyn dahilan para lumakas na naman yung tawanan namin.
"Gusto ko na talagang magsisi na sumama ako sa inyo ngayon,huhu!" Madramang sabi ni reyn kunwari at nag takip pa ng mukha.
"Sorry na reyn..." Natatawang sabi ni daisy.
"Leche ka,Gaspar! Pinaalala mo pa talaga,hindi ka na nakamove on? Nagkapandemic na and all? Gahd!" Inis na sabi ni reyn at nakisabay na sa tawa namin.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...