Chapter 22: BACK STORY

1 0 0
                                    

AESHA'S POV

FEB 24 na ngayon,pero wala pa rin akong natatanggap na call or text man lang mula kay kristoffer. Alas siete na ng umaga,baka mamaya pa sila uuwi? Hindi ko na natiis at dinial ko na ang number niya. Natuwa ako nung mag ring 'yon.

"Good morning babe," Bati niya,natatawa pa. Nahawa pa ako sa tawa niya. "Wait lang,wait lang. Kayo na muna,kausapin ko muna nobya ko." Mukhang may kausap siya don,napangiti ako dahil sa sinabi niya."babe?" Tawag niya pa sakin.

"G-Good morning,hehe." Nasabi ko na lang.

"Hmm,napatawag ka?"

"A-Ah,kukumustahin lang sana kita. Nakauwi na ba kayo?" Nahihiyang sabi ko.

"All fun babe,thanks for letting me Enjoy this socia with my friends." Bakas sa boses niya na masaya nga siya. Napangiti na lang ako.

"Hmm,wala 'yon. Deserve mo naman." Sinserong sabi ko.

"Yeah,by the way babe andito pa rin kami. Natuwa ako na nagawa mo akong kontakin? Wala kasing signal nung makarating kami dito. Sabagay andito rin kasi kami sa mataas na lugar banda ngayon." Kwento niya pa.

"I see,anong ginagawa niyo dyan sa mataas na lugar babe? Mag-iingat kayo dyan." Nag-aalalang sabi ko pa.

"Ayos lang,nagpi-pictorial lang naman kami. Send ko sayo pagkauwi ko mamaya,nag breakfast ka na?" Tanong niya pa pagkatapos.

"Hindi pa nga eh,wala akong duty ngayon kasi pinagrest muna kami. Magche-check na lang daw ng paper mamaya. Pero bihis na rin ako. Ikaw ba nag breakfast na?"

"Hmm,tapos na. Hinihintay na lang namin actually yung service babe."

"Ah,ganon ba?"

"Yep. Kumusta yung exam?"

"Awa ng Diyos,nairaos naman at confident rin naman ako sa mga sagot ko kasi nagawa kong mag review bago yung exam." Nakangiti kong sagot.

"That's good babe. Tatawagan na lang kita mamaya ah? Mag breakfast ka na."

"Ah,babe!" Pigil ko sa kaniya.

"Hmm?"

"What time kaya kayo darating?" Umaasang tanong ko,hindi naman regular yung class ngayon. May oras na ako ulit para sa kaniya pero kailangan niya rin magpahinga.

"Hindi ko alam babe eh,tatawag na lang ako. Okay?" Nanlumo ako sa sagot niya.

"Sige babe,ingat kayo."

"Hmm,I love you." Napangiti ako sa narinig ko.

"I love you too."

"Sige na,puntahan ko na muna yung mga kaibigan ko. Ingat ka papuntang school." Saka niya binaba ang linya.

Kuntento na naman ako sa usapan namin,nawala yung sama ng loob ko dahil don! Hehe. Baka wala lang talaga siya sa mood nung isang araw. Bumaba na ako at nakangiting sumabay kay mom,dad and ash na mag breakfast. Hindi ko na naabutan pa si kurt at kirsten,kaya nag commute na lang ulit ako pagkatapos mag breakfast at makapagpaalam sa kanila.

Pagdating ko sa classroom ay nandon na si hazel,cali and chelzee. Namiss ko sila,nasa iisang section kami pero hindi kami halos nagkakasama at nagkakausap dahil sobra kaming naging busy.

"Hoy,kumusta namiss ko kayo!" Hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan sila.

"Shhh,ang ingay mo. Nag re-relax ang utak namin girl." Natatawang sabi ni Hazel. Natawa na lang kami,saka kusang lumapit sila cali and chelzee na nasa likod namin.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon