AESHA'S POV
NAALIMPUNGATAN ako nung maramdaman kong may nakadagan sa tyan ko. Dahan-dahan akong nag mulat ng mata at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha ni kristoffer sakin. Nakapikit at malalim ang paghinga,nakayakap din siya sakin.
Yun pala yung mabigat psh...
Bigla kong naalala yung huling nangyari bago ako makatulog kanina,napalunok ako nung maalala ko lahat.
I let him do that?
Napatingin ako sa natutulog na si kristoffer saka masuyong pinag-aralan ang mukha niya.
Mahaba ang mga pilik mata,singkit,matangos ang ilong at may kakapalan ang pang-ibabang labi. Malaman rin yung pisngi niya pero hindi naman siya mataba psh.
Sana parati na lang siyang tulog para parati rin siyang anghel.
Sandali ko pang pinakiramdaman ang sarili ko...
Virgin pa ba ako?
Hindi naman buhay na hotdog ang pumasok sa akin diba?
H-Hindi naman kami nag sex?
Napalunok ako sa sobrang kaba. Paano kung mabuntis ako? Mabubuntis ba ako? Gusto kong sampalin yung sarili ko sa mga tanong na 'yon. Naturingan kang nursing student ay hindi mo alam kung paano kang mabubuntis? Kelan pa nagproduce ng sperm cells ang daliri ng lalaki?
Bangak.
Napanguso ako sa sinabing 'yon ng isip ko.
"What are you thinking?" Antok na tanong niya kaya mabilis ko siyang tinignan. Nakapikit pa rin yung mata niya at nakayakap pa rin siya sakin.
Nagsasalita ba siya nang tulog?
Tinusok ko ng hintuturo ko yung pisngi niya para alamin kung talaga bang gising na siya.
"Are you awake,perv?" Tanong ko.
Mabilis niya naman minulat ang mga mata niya na namumula pa. Halatang kagigising lang ng loko.
"Ako ba yung tinatawag mong perv?" Inosenteng tanong niya.
"Hmm.."
"Ah,feeling ko nalipat na sayo lahat ng kahalayan ko sa katawan babe." Parang batang sabi niya. Ngumuso lang ako saka siya sinamaan ng tingin. "Hindi ka naman lasing kanina,for sure you remember what you did?" Mapang-asar na tanong niya.
"Binabaliktad mo na ako ngayon?" Pagtataray ko.
"You're way different kanina babe,nababaliw akong panoorin ka." Seryosong sabi niya.
"Babangon na ako babe para makahiga ka nang ayos." Pag-iiba ko ng usapan.
"Mamaya na," pigil niya sakin sa pagbangon.
"Eh,baka saan na naman mapunta 'to." Sabi ko.
"No,enough na muna 'yon for today. I know you're tired and I'll let you rest." Seryosong sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong muna,wala ng next time. That's enough for good." Sabi ko.
"Hindi mo ba nagustuhan yung ginawa natin kanina,babe?" Seryosong tanong niya. Napalunok ako.
"H-Hindi..." Pagsisinungaling ko.
"Ah,yeah that's why you keep moaning right?" Sarkastikong sabi niya.
Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tuluyan ng umupo. Dun ko lang napansin na pinangkumot niya yung jacket niya sa paa ko.
"Kristoffer,tama na 'yon. Natatakot ako na maghanap ka ng mas higit pa don." Seryosong sabi ko. Napaupo na rin siya.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...