EIAN'S POV
TUESDAY na ngayon,mabilis na nagdaan ang mga araw at ganon pa rin ang routine namin. School-community-hospital,gaya nung nakaraan ay nagkikita na lang kami ni Aesha tuwing uwian,dahil kung di galing sa duty ay madami naman ginagawa kahit vacant. Kaya hinahatiran ko na lang siya ng snacks niya,miss ko na siya. Monthsary na namin bukas,naalala niya kaya? Saan ko kaya siya dadalhin? Pero duty kami bukas.
Andito ako sa tapat ng registrar at nagdadasal na sana walang epal na sumulpot. Ganon pa rin si charmaine,habang tumatagal ay lalo rin kumakapal. Ako na yung nahihiya sa para sa kaniya,normal ba talaga sa babae ang maghabol tapos pinapamukha sayong gusto ka niya? Hindi ganon yung type ko. Psh.
Ang gusto ko yung kagaya ni Aesha na denial sa una,kasi tignan mo naman ngayon hehehehe! Ang sweet niya sakin sobra. Psh. Pero miss ko na talaga siya! Tamang kumustahan na lang kami sa kotse lagi tapos tamang goodnight hug and kiss na lang. Namimiss ko yung mga kwentuhan namin,yung tawanan. Pero aaminin ko busy rin talaga ako nitong nagdaan na mga araw,puro reports and duty inatupag ko. Dumagdag pa yung mga major quizzes,kailangan ko kasing i-maintain yung pagiging top student nurse ko,kasi ganon rin si Aesha. Ayoko naman na sabihin niyang pinababayaan ko yung pag-aaral ko,gusto ko maging proud siya sakin at gusto ko proud din sakin yung parents ko para walang dahilan na tutulan nila ang masayang buhay ko ngayon hehehe.
"Biwby!" Hindi ko napigilan na isigaw 'yon nung makita ko siya sa dulo ng hallway nung faculty. Agad akong bumaba ng bench at naglakad palapit sa kaniya,nakangiti naman siya sakin."Kumusta biw?" Agad na tanong ko nung makalapit.
"Medyo pagod. Ikaw? Kumusta sa kabila? Grabe ang taas pa rin ng energy mo ah?" Natatawang bungad niya sakin,sabay kaming naglakad papunta sa parking lot ng hospital.
"Ang totoo ay madaming pasyente,pero nakita na kita kaya full charged na ulit ako." Nakangisi kong sabi,namulsa ako habang sinasabayan siyang maglakad.
"Ang korni nito." Natatawang sabi niya.
"Biw," seryosong tawag ko mayamaya.
"Yes?"
"Anong araw bukas?" Kabadong tanong ko,natigilan siya kaya kinabahan ako lalo.
Nakalimutan niya? Huhu! Saksak puso!
"Wednesday,28. Bakit mo natanong?" Lalo akong nasaktan nung casual niya 'yon sinabi. Gusto ko na lang mag maktol at mag dabog dito,paano niyang nakalimutan 'yon? Saksak puso! "Psh. Sasaktan mo talaga ang sarili mo?" Natatawang sabi niya mayamaya nung di ako umimik.
"Ano?" Nakalabi kong sabi,nababakla na naman ako. Nanlalabo yung paningin ko,alam kong nangingilid na yung luha ko.
"Monthsary natin bukas,bakit nakabusangot ka dyan? Hahahaha,hindi ko nakalimutan okay?" Tawang-tawa talaga siya,pero di non nabawasan ang sama ng loob ko. Hindi ako nagsalita hanggang makalabas kami,tahimik akong inalalayan siya na makasakay at kinuha ang bag niya para ilagay sa likod. Umikot ako para sumakay sa kotse."Galit ka ba?" Malumanay na tanong niya.
"Hindi."
"Hindi ko nga nakalimutan biw,I swear psh. Last week pa 'yon nasa isip ko." Seryoso talagang sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya at para akong nabuhayan ng loob nung marinig ko 'yon,napangiti ako. Nakita ko siyang ngumiwi at inirapan ako bago pinagkrus yung mga braso niya.
"Talaga ba biw?" Tuwang tanong ko.
"Oo,kung anu-ano kasing iniisip mo dyan tsk. Busy lang ako pero hindi ko makakalimutan 'yon okay?" Inirapan niya ako ulit.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...