Chapter 35: Juryann De Torres

117 5 0
                                        

Jury's POV

"Waahh, sorry talaga, sorry"

Hayy, inirapan ko na lang siya at tuloy tuloy na ininom yung coke na inilibre niya.

Kanina pa siya dyan sorry ng sorry sa harapan ko, para na ngang bata na ngawa ng ngawa eh. Tapos may pabow bow pang nalalaman, Pasalamat siya at cute siya.

"Sana maintindihan mo talaga na kailangan ko lang talagang gawin yun, sorry"

Inubos ko muna yung coke ko saka sya tiningnan ng diretso. 

-_- 

Yung sasabihin ko sana, biglang nawala.

Paano ba naman kasi, yung itsura niya, parang bata na aytime magsisimula ng umiyak

Bigla niyang hinatak yung kanang kamay ko at hinawakan yun, pero agad ko ding binawi. Pasimple ko yung hinaplos sa ilalim ng mesa, bakit, bakit may kuryente?

"Waahh, galit ka ba? Sorry na oh, gusto mo luluhod pa ako" 

 Hindi pa ako nakakasagot nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Naging dahilan tuloy yun ng samut saring reaksyon mula sa mga nakakakita sa amin.

"My Gosh, ganyan ba yung type ni Gino?"

"Anong special dyan? Eh mukha namang tingting"

"Anong karapatan niyang paluhurin si Gino ko?"

"Oh no, baka malate si Gino my loves sa game nila dahil sa kaartehan ng babaeng yan"

Napataas na lang ang kilay ko sa mga naririnig ko, aba, pasalamat sila at hindi ako war freak, kahit papaano, kaya ko namang magcontrol. 

Hinatak ko na sya patayo Kaso, mukhang mali yatang pinatayo ko siya, ang tangkad kasi.

Tss.

"Sige na, manalo lang kayo sa game, papalampasin ko ang ginawa mo"

Ngumiti siya ng pagkalapadlapad sabay yakap sa akin, teka, ano ito??? bakit, bakit ang init?Iniharap niya ako sa kanya 

"Salamat, sige, bye girlfriend" 

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa kinatatayuan ko,  paanong, paanong sa isang iglap, ang isang Gino Giovani ay naging boyfriend ng isang Juryann De toress?

At, at bakit halos tumigil ang mundo ko, nung hinalikan niya ako sa pisnge?

NApaupo na lang ako, at napatulala, alam kong sobrang ingay na sa paligid ko, maliban sa nagsisipuntahan na sila sa gym dahil magsisimula na ang game, ilan sa kanila, yung eksena namin ang pinaguusapan.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, habang inaalala kung paano kami napunta sa puntong ito.

---Flashback--

Nagpaalam muna ako sandali kina Bloom para mag cr. Tutal, hindi pa naman nagsisimula. Buti na lang at halos lahat ng estudyante nasa gym, kaya madali na sa aking makapasok sa cr, minsan kasi, may ilang babaeng naglolock dyan sa loob, hindi ko lang alam kung bakit -_-

"Waahhh, Lumayo ka nga sabi sa akin"

"Wait for me, igu-goodluck kiss lang naman kita eh"

"Waahh raaappppeeee"

Tss, ano yun, baliktad na sa panahon ngayon? Babae na yung nangrarape??

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon