Chapter 18: "Akala mo pala, ako ay siya"

189 13 2
  • Dedicated kay Sha Irah
                                        

Bloom's POV

[A/n: Para sayo itong chapter na ito ^_^]

"Bakit ang ingay?" lumabas ako ng kwarto na kusot kusot pa rin ang mata.

Naalimpungatan kasi ako nang marinig ko ang ingay na nagmumula sa sala.Paglabas ko, nakita ko si Lexus na may buhat buhat na mga bag.Tapos pabalik balik siya sa kwarto niya.

Lumapit naman ako sa kanya at napansin kong nagsisilid siya ng mga gamit niya sa bag.

"Teka, maglalayas ka?"

Humarang ako sa dadaanan niya dahil mukhang wala siyang balak pansinin ako.Tumigil naman siya sandali pero hindi niya ako nilingon.

"May tour kami, mga tatlong araw akong mawawala"

Pagkakasabi niya nun ay agad na siyang lumampas sa akin.

Isang linggo, isang linggo na din niya akong hindi masiyadong iniimikan.

Tapos ngayon aalis siya, talaga bang galit siya sa akin?

Bakit naman siya magagalit?

"Iniiwasan mo ba ako Lexus?"

Napatigil siya sa paglalagay ng gamit niya sa bag, pero hindi niya pa rin ako nililingon.

"Wag mong isiping iniiwasan kita, Graduating student na ako, kaya busy na ako mula ngayon"

Pagkakasabi niya nun ay agad na ding bumalik ang atensyon niya sa ginagawa niya.Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya, hanggang sa nakita kong nakabihis na siya at sakbit sakbit na ang bag niya at dirediretsong tinungo ang pinto.

"Sandali" pagpigil ko sa kanya.

Nasa likod niya lang ako at hawak ko ang braso niya.

"Iiwan mo ba ako Lexus?"

Bakit ganun, bakit bigla na lang siyang naging malamig sa akin.Bakit parang ang dali na lang sa kanyang baliwalain ako?

At nasasaktan ako sa inaasta niya.

Pansin ko ang paghinga niya ng malalim saka humarap sa akin.

Tulad pa din nung nakaraan, hindi ko mabasa ang emosyon niya, at parang hindi na siya yung Lexus na nakilala ko.

"Aalis ka ba talaga? Iiwan mo ba talaga ako?"

Ramdam ko ang mga tubig na namumuo sa mata ko.

At alam kong pansin niya yun.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon nandiyan ako palagi para sayo Bloom, isipin mo din namang may sarili akong buhay. At kung iwan man kita, may dahilan yun, hindi dahil sa ginusto ko lang" inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya tuluyan nang lumabas ang mga tubig sa mata ko.

"Lexus...."

"Mabuhay ka sa paraang gusto mo, kinupkop lang kita, pero hindi kita pag aari para palagi kong bantayan at alagaan. Grow  up Bloom! Discover the world on your own"

Tinalikuran na niya ako pagkakasabi nun.

Bakit Lexus?

Bakit?

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo sa may pintuan at hinihintay ang pagbabalik niya.

Umaasang babalik siya tapos ngingitian ako.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon