Bloom's POV
"Ingat ka na lang sa paguwi"
Ngumiti na lang ako bilang sagot.Hindi ko naman inaasahan na ihahatid niya ako, pero ewan ko ba, parang ang sakit lang na makitang iba ang kasama niya habang naglalakad palayo sa akin.
"Hi"
napapitlag naman ako ng biglang may kumulbit sa balikat ko.
Pagtingin ko,Isang babaeng nakangiti ang agad na sumalubong sa akin.
"Sorry, nagulat ata kita" paghingi niya ng paumanhin.
Umiling naman ako at ngumiti.
"Hindi naman"
Inilahad niya ang kamay niya sa akin, kaya takang tiningnan ko siya.
Manghihingi ba siya ng piso?
Paano yan, wala na akong barya.
Sayang naman, ang ganda niya para maging pulubi.
Haayyy,
"Wag kang mag alala, hindi ako namamalimos"
Napatingin ako sa kanya na bahagyang natatawa.
Paano niya nalaman ang naiisip ko?
"Kung hindi mo kasi namamalayan, hawak mo ang wallet mo tapos nakatingin ka sa palad ko at iiling iling ^_^ "
Tiningnan ko naman ang kanang kamay ko.
O_O
Oonga
(_ _")
"Hahaha, ang cute mo talaga"
O_O
"Waahhhh. AAARRAAAyyyy"
"HAhahahaha"
Hinawakan ko ang pisngi ko tapos pinisil pisil ng konti.
Ang sakit ng pisngi ko wahhhh.
Kurutin daw ba, ang sakit tuloy.
Tapos tatawa tawa siya.
"Hindi tayo bati"
Tinalikuran ko na siya at hahakbang na sana ng biglang nasa unahan ko na kaagad siya.
Ang bilis!
"Ui, bati tayo, sorry na"
"Hmmm"
Ayaw ko nga.
Hindi kami bati, sinaktan niya ako tapos natutuwa pa siya.
"Natuwa lang naman kasi ako sayo, sorry"
"Natuwa ka naman pala eh, bakit kailangan nananakit pa"
Ngumiti naman siya.
"Sorry na"
Ewan ko ba kung bakit pero, wala nang kaso sa akin yung ginawa niya.
Nafefeel ko yung guilt nung biglang lumungkot ang mukha niya.
"gusto ko lang naman makipagkaibigan. sorry kung nasaktan kita" malungkot na sabi nito sabay talikod sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero hinigit ko ang braso niya tapos nginitian ko siya.
"Friends?!" sabay lahad ko ng kamay ko.
Nagaalangan pa siyang tiningnan ito at ako saka ngumiti at tinanggap ang alok ko.
"Friends ^_^ "
Wieehhhh
Ganito pala kasaya kapag may kaibigan ka.
Nararamdaman mong parang sariling dugo't laman mo rin.
Nagusap kami ilang sandali bago namin napagpasyahang maglakad na palabas ng campus.
Mukha naman siyang mayaman kaya alam kong may kotse din siya.
Pero mas pinili niyang samahan ako papunta sa may garden.
Dun ko kasi hihintayin si Lexus.
"May kakilala ka ba sa tourism department?"
Tanong niya pagkaupong pagkaupo namin sa may garden.
To-to--Ano raw?
"Huh?" tanong ko sa kanya.
Hindi ko maintindihan eh -o-
"Wala ^_^"
Wala naman pala eh.
Tumingin siya sa kamay niya tapos tumingin sa akin.
"Sorry I have to go, nice meeting you again"
paalis na sana siya ng tumigil siya sandali at lumingon sa akin.
Inilahad niya ang kamay niya at ngumiti.
Ngayon na ba siya manghihingi ng pera? O_O
"^_^ Siara nga pala name ko, Siara Lejis"
Ahhh
"Bloom, Bloom Riosa ^_^"
Nakita kong bahagyang napakunot ang noo niya
pero agad din niyang binawi sa ngiti.
"Ah sige Bloom alis na ako"
"Sige"
Tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.
Ang galing may friend na ako.
Ibabalita ko ito kay Lexus.
And speeking of Lexus, asan na ba siya?
Tumayo muna ako sa pagkakaupo at kinuha ang mga gamit ko.
Paalis na sana ako ng may pamilyar na pigurang naglalakad palapit sa pwesto ko.
Napangiti ako.
Pero agad ding nawala nung nakalapit siya.
Napansin ko kaagad yung kamao niyang nakabenda.
Hinawakan ko yun pero agad niya ding hinila saka kinuha ang mga gamit ko.
Magtatanong pa sana ako pero naglakad na kaagad siya.
Ano kayang nangyari sa kamao niya?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
