Bloom's POV
"Tara na nga kasi, icongratulate naman natin sila"
"Ehh, kayo na lang, sige, sundan mo na sina Wendy dun"
Kanina pa ako pinipilit ni Liyle na bumaba at lapitan ang team, pero nahihiya pa din ako, eh kasi, nahihiya pa ako sa pagkakacheer ko kanina, kahit pangalawang beses ko yung ginawa, nakakahiya pa rin.
"Tss, sino bang girlfriend?" tanong sa akin ni Liyle kaya napatingin ako sa kanya, at biglang napatungo.
"Ako" sagot ako,
Hinila na lang niya ako kagad pababa, sinusubukan kong pumalag pero ang lakas niya. Kaya hinayaan ko na lang.
Tatlong baitang na lang at malapit na kami sa team, nakatalikod mula sa pwesto ko si Lexus kaya hindi niya ako napapansin, pero sina Wendy at mga kabarkada niya, kita nila ang pagbaba ko.
"Le-" naudlot ang pagtawag ko sa kanya nung....
"Napanuod mo ba yun? We won" kita mo ang saya sa pagbigkas niya ng mga salitang yun.
Napangiti na lang ako pero,bigla ding nawala.
"I know, congratulations ^_^"
Dapat ba akong makaramdam ng sakit dahil, hindi ako ang kausap niya? Dapat ba akong masaktan dahil hindi ako ang nginingitian niya? At dapat ba akong masaktan dahil hindi ako ang niyakap niya? At hinalikan?
"Tss" narinig kong may sinabing kung ano si Liyle sa tabi ko, pero hindi ko masyadong maintindihan.
"Lexus, nandito ang girlfriend mo" sigaw ni Liyle sabay hatak sa akin sa unahan niya.
Nakita ko naman ang gulat na ekspresyon ni Lexus.
Hinintay kong magsalita siya, pero tiningnan niya lang ako tapos si Fhin na parang hindi na nagulat na nandun ako.
"Blo--"
May sasabihin pa sana siya pero bigla na lang may humatak sa akin. Hindi ko alam kung sino, pero hinayaan ko na lang.
Bakit ganun, bakit, bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit parang may mali?
Tumigil kami sa likod ng lumang building, parang mini garden din ito, natuklasan ko ito nung kasama ko si...
"Core"
Oo, si Core, madalas na din kasi akong napapacutting dahil niya.Tiningnan niya lang ako, pero hindi niya pa din inaalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko.
Nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap, hindi ako pumalag, dahil, dahil gusto ko din ito,pakiramdaman ko kasi, sa yakap niya, alam kong hindi ako masasaktan, alam kong, hindi ako nagiisa.
"Nasasaktan ka ba Bloom?"
Nasasaktan? Dapat ba akong masaktan dahil lang sa nakita ko kanina?
Pero, pag aari ko si Lexus diba? Boyfriend ko siya, pero bakit ata parang, parang wala akong maramdaman.?
"Please, please sabihin mong hindi ka nasasaktan"
Ito ang unang beses na narinig kong lumamya ang boses ni Core, siguro dahil, inaalo niya lang ako.
Pero hindi naman siya dapat magalala, dahil, wala naman akong nararamdaman.Niyakap ko na din siya at mas sumiksik pa sa dibdib niya sabay sabing,
"Hindi ako nasasaktan, Core"
Key # 1's POV
Bakit? Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba wala siya? Pero bakit?
Nandito na naman ba siya para guluhin ang buhay ko? ANg buhay ng taong binubuo ko?
Hindi maari, hindi ako papayag.
Please, sana hindi na kita muling makita, nakikiusap ako, tantanan mo na ako, tantanan mo na din siya.
"Sshhh, tama na"
Hindi ko na napigilang umiyak nung niyakap niya ako. Ang taong ito, siya ang tumulong sa akin na muling makabangon, Na muling magbago at itama ang pagkakamali ko.
Oo alam ko, na nung panahon na yun, ginusto namin pareho yung nangyari, pero dahil lang yun sa nagmahal kami.
Mali bang magmahal? Mali bang piliin ang ikasasaya mo?
Pero, pero bakit kung kailang unti unti nang naaayos ang lahat bigla siyang dumating?
Ano na naman bang kailangan niya? Hindi ba sapat na kabayaran ang nangyari noon?
"Tama na, tahan na. Kalimutan mo na siya"
Kalimutan?
Hindi madaling kalimutan ang tao na yun, napakahirap,
Von's POV
Ako si Von Iel Morque, 19, isa sa mga naging kabarkada at kasama ni Lexus simula nung junior pa lang kami. Alam ko ang ibig sabihin ng bawat kilos niya, kaya kahit mali sa paningin ng iba, alam kong, may rason yun.
Pero ngayon, wala akong maisip na rason para gawin niya ang ganitong klaseng bagay.
Nung hinatak ni Core si Bloom palayo, ang siya namang pagsuntok ni Liyle kay Lexus. Hindi siya pumalag, hindi rin siya nagsalita, pero isa lang ang napansin ko sa kanya, ang mga mata niya, malungkot yun, hindi lang lungkot, may halong sakit at galit.
Lexus, para saan ba ito?
"Tangna naman Lexus oh, inilayo na nga kita sa babaeng yan, lapit ka pa din ng lapit, ano bang meron dyan at kahit si Bloom, pinagpalit mo?
Pareho kami ni Gino na pumipigil sa pagwawala ni Liyle, buti na lang at nakalabas na ang mga estudyante, kaya kami lang at mga kateam namin ang nandito.
Pansin ko lang, hindi din makatingin ng ayos si Gino kay Lexus, na kasalukuyang niyayakap ng umiiyak na si Fhin.
Sa totoo lang, simula pa nung nililigawan na siya ni Lexus, buo na ang loob ko na ayaw ko sa kanya. Pero nakikita kong masaya si Lexus, kaya hinayaan ko na lang.
Pero nung gabing yun, ang gabing muntik ng sumira sa pagkakaibigan nila ni Liyle, nakita ko, nakita ko kung paano tingnan at pasimpleng sinenyasang palabas ni Fhin si Liyle.
Alam ko naman na yun ang posibleng mangyari nung tumayo si Liyle at lumabas sa bar. Hindi lang naman ako ang nagbabala kay Lexus nung oras na yun, kahit si Liyle, sinabihan na siya,pero hindi siya nakikinig.
Pero nung dumating si Bloom, unti unti ng bumabalik ang dating siya. ANg Lexus na mahilig magmura, walang pakialam sa iba, ang lalaking ngingiti na lang basta basta dahil naiisip niya ang isang taong pinapahalagahan niya.Ang Lexus na kabaligtaran sa inaakala ng iba na siya. Kaya hindi ko alam kung bakit sa isang iglap, nawala yung lahat.
"Tangna Lexus! NAKAKAGAgO KA nAMAN, SUMAGOT KA!"
Kahit na dalawa na kami ni Gino na pumipigil kay Liyle, muntik muntik na siyang makawala dahil aminado ako, malakas ang isang ito.
Tumayo lang si Lexus at hindi pinansin ang pagiyak ni Fhin, Tumingin lang siya sa amin ng blangko.
Bigla namang nagsalita si Gino,
"Sabihin mo nga, ayos lang ba sayong makita siyang nasasaktan?" sa kabila ng kahinahunang tinataglay niya habang sinasabi yun, ramdam mo naman na may halong galit sa bawat salita.
Akala ko hindi na sasagot si Lexus dahil ilang minuto ring nakatingin lang siya sa amin.
Pero nagulat na lang ako nung bigla siyang ngumisi at nagsalita . Na siya namang naging resulta ng pagsugod sa kanya ni Gino, at siyang mas lalong nagpaalab sa galit ni Liyle.
"Tss, Ako ang gumawa sa kanya, kaya ang makitang nasasaktan siya, para sa akin, ayos lang"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
ЮморWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
