Chapter 1

589 59 31
  • Dedicated kay Blair Slair
                                    

[A/n: Dedicated po ito sayo, salamat sa paggawa ng cover ko ^_^]

 [A/n: Bago niyo tuluyang simulan basahin ang mga susunod na chapter, basahin niyo muna ang That's Your Fault!  Dahil malaki ang koneksyon nito sa storyang ito. Wag kayong mag alala, One shot lang yun. Enjoy reading  ^_^]

"Ui teka, san ba tayo pupunta?"

"Basta sumakay ka na lang"

Hinihintay ko siyang pumasok sa loob ng kotse ko, pero nung nilingon ko siya

-_-

Parang timang na pinagmamasdan lang ang kotse ko.

"Hoy, sumakay ka na nga!"

Bulyaw ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at kumunot ang noo.

"Paano ba ako makakapasok diyan"

Napasuntok na lang ako ng wala sa oras sa manubela at pinindot ang button para automatic magbukas ang pinto.

"Wow! Ang galing, lumilipad ba ito?!"

Hinatak ko na siya papasok ng kotse at sinarado ang pinto.

"Magseatbelt ka"

"Huh? Ano yun?"

"Yung nasa tabi mo, lagay mo sa katawan mo"

Hindi ko na siya nilingon, busy pa ako sa pagaatras ng kotse ko eh.

Pero nung ok na , humarap na ako sa kanya.

"Oh ta- ANONG GINAWA MO?"

"Ang ganda di ba?!"

sabi niya habang ngiting ngiting ipinagmamalaki ang ginawa niya.

Lumapit naman ako sa kanya at agad na tinanggal ang seatbelt na inilagay niya sa leeg niya.

"Magpapakamatay ka ba ha?!" sabi ko nung oras na naayos ko na ang seatbelt niya.

"Huh?! Hindi" sabi nito na parang bata.

Instead na patulan pa siya, tumahimik na lang ako at nagsimulang magdrive.

Daldal lang siya ng daldal buong byahe pero ni minsan di ko siya sinagot.

Sa totoo lang, naiirita ako sa mga babaeng daldal ng daldal ng walang katuturan, pero natutuwa ako sa kanya. 

Parang ngayon lang siya nakalabas sa way pa niya ng pananalita ang pagkamangha sa bagay na nakikita niya sa labas.

"Pasensiya ka na nga pala kung sinubukan kong hawakan ang tubo mo"

Bigla na lang akong napapreno ng wala sa oras.

Halos mauntog na din siya sa harapan, buti na lang nagseatbelt siya.

"MAy problema ba?"

akmang hahawakan niya ako pero umiling lang ako at nagsimula na ulit magdrive.

Pakiramdam ko, pulang pula na naman ako.

Naalala ko kasi ang nangyari kanina na muntik niya ng mahawakan ang tu- este si junior ko, Hoooh...

Maya maya lang nasa mall na kami.

Naisipan ko kasing ibili siya ng damit tutal sa condo ko na siya titira.

Uo, sa akin na siya titira.

Sabi niya kasi wala daw siyang mapupuntahan.

Naisipan kong ihanap siya ng condo niya, pero naalala kong may pagkasa tanga nga pala ang babaeng ito.

Baka mapadali ng wala sa oras ang buhay niya pag nagkataon.

"Good morning Maa'm and Sir"

Tinanguan ko na lang yung babaeng nakangiting bumati sa amin nung pumasok kami sa isang shop.

Sa totoo lang, medyo naasiwa ako sa pagkakahawak ng babaeng ito sa braso ko.

Feeling ko sa ginagawa naming ito, pinagtataksilan ko ang babaeng mahal ko.

Oo, may mahal na ako.

Kaya wag niyong iisipin na papatulan ko ang isang ito.

Kahit hindi pa kami, alam kong mahal din niya ako.

At konting panahon na lang, alam kong magiging kami na.

"Nakakaasiwa naman ito" sabay pilit na hinihigit ang damit niya pababa.

Pinigilan naman siya nung sales lady at sinabing kung ayaw daw niya marami pang iba.

Nakaupo lang ako dito malapit sa fitting room at tinitingnan lang siya sa tuwing lumalabas.

Sa totoo lang, bagay sa kanya ang kahit na anong klaseng damit.

Kaya binili ko ng lahat ang sinukat niya, kahit yung mga maiikli.

Tingin ko kasi kakailanganin niya din yun, siyempre, babae siya.

Sunod naming pinuntahan yung shop ng mga sapatos.

Iniwan ko muna siya saglit dun sa nag aasisst.

Tutal wala naman akong maitutulong bukod sa ako ang magbabayad ng lahat ng kailangan niya -_-

"sorry"

Tinulungan ko yung babaeng nabangga ko, or should I say, bumangga sa akin na tumayo at limutin ang mga pinamili niya.

Ang dami niya kasing bitbit.

"Lei"

Sabay kaming napatingin nung babaeng tinawag na Lei sa lalaking tumawag sa kanya.

Hindi ko alam kung anong Ekspresyon nung mukha nung lalaki.

Parang hindi maipinta na ewan.

Lumapit siya sa amin at hinablot ang mga paper bags na pinulot ko.

"Ahm Kier ano kasi--"

"Ang bagal mo, madami pa akong bibilhin"

Nauna nang maglakad yung lalaki at humingi ng paumanhin sa akin yung Lei saka nito sinundan yung lalaki.

Napapailing na lang ako at nawalan ng ganang maglakad kaya bumalik ako sa shop.

Nakita kong halos di na maipinta ang mukha niya sa mga pinasusuot na heels sa kanya hahaha.

Sabi ko kasi, kapag may mga flats dapat pati heels.

Mahirap na, baka kailanganin niya yun.

Lumapit naman ako sa kanila.

Para namang nagmamakaawa siya nung tumingin sa akin, pero ngumiti lang ako at dumiretso sa counter.

Binayaran ko na ulit lahat ng sinukat niya.

At last naming pinuntahan ay yung mga personal needs ng mga babae,

Iniwan ko na lang siya ulit dun sa mga nagaasisst.

Siya na ang bahala sa babaeng yun.

Sumaglit muna ko sa men's wear.

Busy ako sa pagtingin ng mga damit ng bigla na lang may tumapik sa balikat ko.

"Yow!"

"Ui Cav"

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon