[A/n: sorry po kung ngayon lang ako nag update, super busy po eh, and for you po ito isa sa mga dati kong partner :> ]
Bloom's POV
"Hoy, pansinin mo naman ako"
Hindi ko na lang siya pinansin kaya nagdirediretso na lang ako sa paglalakad.
"Bloom, ui, ano ba"
Bigla na lang hinigit ni Lexus ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin habang nakakunot ang noo at hingal na hingal.
Aba!
Ako ba ang may kasalanan ngayon?!
Siya naman ah!
"ANo ba kasing problema? Bakit mo na lang ako biglang iniwan dun?"
Tinaasan ko na lang siya nang kilay saka nagbawi ng tingin.
Wala ako sa mood na imikan siya.
"Look, sorry, kinausap ko lang si Fhin. Walang malisya yun" may pag simpatya nyang sabi.
Kaya napatingin ako sa kanya na kanina pang hindi inaalis ang tingin sa akin.
So Fhin pala yung pangalan nung babaeng kausap niya kanina?
Kaya ba niya bigla akong isinantabi dahil lang sa babaeng yun?
Kaya ba niya hindi ako kagad pinakain dahil dun?
Sino ba kasi yun?
"Ui, ano ba? Sorry na"
Halos magmakaawa na siya habang sinasabi yun, pero hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman at masabing kung ano sa kanya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin saka siya tinalikuran at nagsimulang maglakad.
Pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang dalawang brasong nakayakap sa akin mula sa likuran.
"Lexus"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong banggitin ang pangalan niya.
Kinakabahan ako, ang dibdib ko, ang lakas ng tunog.
"Bloom sorry"
Halos tumindig na lahat ng balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang hininga niya sa may batok ko.
Pakiramdam ko, may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko.
"Sorry kung bigla na lang kitang iniwan kanina,but believe me, wala lang yun..."nagpause siya ilang saglit saka ako hinatak paharap sa kanya at hinawakan sa mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
