Chapter 47: The Trio's Side story

80 4 0
                                        

Alen's POV

"Huy Alen, sasabay ka ba samin?" - Jury

"Hindi pwede, mapapagod siya"

Bigla akong napatingin kay Liyle na nasa tabi ko at seryosong nakatingin nga sa akin, minsan talaga iniisip ko na baka minumurder na niya ako sa utak niya -_-

"Ikaw ba si Allen huh? Kung makasagot kang panget ka"

"Ako panget? Asa ka, baka ikaw!"

"Anong ako? Ikaw kayang liyle sama"

Akala ko tuluyan na akong mabibingi sa bangayan nung dalawa, buti na lang at dumating ang so-called-boyfriend ni Jurry na si Gino at niyakap siya sabay hatak paalis.

"Ako na magdadala ng gamit mo, mangalas ka pa, kasalanan ko pa, eh di namura ako ni Mommy" sabay una niya sa paglalakad.

Nandito na nga pala kami sa school, sa totoo lang, akala ko mahaba ang byahe tulad nung papunta kami, pero ngayon yata ang bilis. Sa bagay, lahat naman ng mga bagay sa simula lang nagtatagal, pero kapag binalikan mo, dun mo marerealize na sobrang bilis pala.

"Hoy Skeleton, bilisan mo ngang maglakad diyan at sumakay ka na dito!"

Tulad ng sinabi niya, binilisan ko na maglakad at agad na sumakay sa kotse niya. oonga pala, hindi ko alam kung bakit tinext ako ni Mama na ihahatid daw ako ni Liyle sa bahay.

"Buti pa ang Mama mo, namimiss ang kgwapuhan ko, pero ikaw, palagi mo na nga akong kasama, iniiwasan mo pa"

Tiningnan ko siya habang seryosong nakatingin sa daan at nagmamaneho, ano daw sabi niya? Hayy..

Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit, inaantok na naman ako.

Kung nagtataka kayo kung paano siya nakilala ni Mama, pwes, sa totoo lang, hindi ko alam, Basta isang araw, nadatnan ko na lang siya sa bahay at masayang kausap ang mama ko. Pero nung nakita ako, nagiba ang hitsura niya.

Ilang beses ding naulit yung bigla bigla niyang pagsulpot sa bahay tapos may mga dala pa siyang pagkain na maasim, o di kuya yung malimit isawsaw sa suka. Nakakainis lang kasi hindi ako pwedeng kumain ng ganun. Minsan tuloy naiisip ko, hindi kaya, type niya ang mama ko?

Ewan ko kung gaano ako katagal nakaidlip, basta naramdaman ko na lang na may kung anong lumapat sa noo ko at may sinabing kung ano na hindi ko maintindihan bago nagsara ang pintuan ng likod ng kotse at tumahimik.

Nanatili pa ako dun ng ilang minuto hanggang sa umabot ng isang oras, plano ko na sanang magmulat at tumingin sa labas, pero naudlot yun nung biglang gumaan ang paligid at naramdaman kong may kung sinong bumubuhat sa akin. Gusto ko mang tingnan kung sino, pero mukhang pagod yata ang mga mata ko at ayaw parang dumilat, ultimo katawan ko ayaw pa ding magreact.

Alam kong pumasok kami kung saan, dahil narinig ko ang ilang ulit na pagbukas ng pinto, hanggang sa unti unti ko ng nararamdaman na bumababa na ako at lumalambot ang pakiramdam ko sa likuran.

"Salamat hijo ha"

Boses yun ni Mama ah, wag mong sabihin na nasa bahay na ako? Kung ganun, binuhat ako ni Liyle? Akala ko ba, ayaw na ayaw niyang may binubuhat na babae? KAsi, sa pagkakaalam ko, sabi ni Gino, nangako daw si Liyle sa sarili niya na, ang una at huling babaeng bubuhatin niya ng buong ingat ay ang babaeng aalagaan at mamahalin niya habang buhay.

"Walang ano man po yun Tita, magaan naman siya kaya hindi ako nahirapan"

Hindi ko na narinig ang sinagot ni Mama, kasi biglang humina ang boses niya, naramdaman ko naman na umalis na din sa tabi ko si Liyle.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon