Chapter 14

298 24 4
                                        

[A/n: Dahil hinahanap mo si Cav, para sayo itong chapter na ito ^_^]

Bloom's POV

"Dalian mo na diyan, malalate tayo"

Hinabol ko na lang siya ng tingin nung naglakad na siya palabas ng condo niya.

Nakaupo pa kasi ako dito sa kama at nakaharap sa salamin.

Kinakabahan ako!

Ito na ang unang araw na papasok ako sa school.

Ang sabi ni Lexus wag daw akong mag alala hindi naman ako mapapahamak dun.

Ipagtanong ko lang daw kung nasaan siya at tiyak na may sasagot sa akin.

"Sakay na" walang lingon nitong sabi nung pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Tumango na lang ako at pumasok sa loob.

Hinintay ko siyang makapasok at umupo sa tabi ko.

Sa totoo lang, medyo naninibago ako sa kanya.

Nung isang gabi kasi nung pagkabalik ko sa condo pagkagaling ko sa may bahay sa puno, naabutan ko siyang nakatingin sa bintana tapos nung nakita niya akong dumating, pumasok kaagad siya sa kwarto niya ni hindi man ako nilingon.

Hindi ko na siya masiyadong inintindi nun kasi naman, medyo naguguluhan ako dun sa sinabi ni ...ni... ano ngang pangalan nun??

Ahh tama, si Cav...

*Flashback*

"Hindi mo ba alam, na sa ginawa mong yun, you give me the rights to do this"

Ewan ko ba kung ano ang sunod na nangyari

Pero ang alam ko, gusto ko din ito.

"Inlove ka na sa akin nho"

Pagkakarinig ko dun sa sinabi niya ay agad ko siyang itinulak kaya nawala ang pagkakayakap niya sa akin.

Ako inlove? Sa kanya? Ang kapal!

"Hindi nho"

Tumalikod ako kagad at humalukipkip.

Pakiramdam ko kasi biglang uminit ang mukha ko.

Pero sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam nung niyakap niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero, gumaan ang pakiramdam ko.

Naalimpungatan naman ako nung bigla akong may naramdamang braso na yumayakap sa akin mula sa likuran.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko kaya nanigas lang ako sa pwesto ko.

Sana lang hindi niya marinig ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Ngayon alam ko na, kung bakit ka niya nagustuhan"

Nanlaki ang mga mata ko nung maramdaman ko ang mga hininga niya sa may batok ko.

Waahhhh,, MAY TUBIG NA GUSTONG LUMABAS!!!!

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at kumalas sa yakap niya at agad na tinunton ang pintuan na hindi man lang lumilingon.

Pero bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako at napalingon sa kanya.

"Cav, Cav Guazon ang pangalan ko. At huwag mo yun kakalimutan, kahit na makilala mo siya"

May sarili atang buhay ang bibig ko dahil tumugon ako sa sinabi niya kahit na hindi niya ako tinatanong.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon